Wikang tunay na pagkakakilala
Lubos na maganda at mahalaga.
Mabuting gamitin at ingatan pa
Wag lilimutin katulad ng iba.
Wikang pilipino'y pahalagahan
Isa puso't atin pang ipagyaman
tangkilikin natin itong lubusan
wag lilimutin at pababayaan.
Tunay ngang pilipino'y maasahan
Tinanggap ang wikang kinagisnan
Wikang pilipino ay supurtahan
nawa'y parangalan, pasalamatan.
Naiba man ang ating kawikaan
Tagalog, Waray, maging Bisaya man
Visayas, Mindanao, at sa Luzon man
Pilipinas parin ang ating bayan.