Return to site

WIKANG PILIPINO’Y

SANDATA KO

ni: JACOB M. ROBISO

Akoy isang batang Pilipino,

Lumaki ng may wika at talento.

May angking kultura mula pagkabata,

Likas sa dugo at lahi ko ang pagiging makata.

Salitang "po" ay paggalang,

Diwang matapang para sa "pagbabayanihan".

"Makiramay" ay damdaming dalisay,

Sa "pagtanggap", ang pusong laging bukas.

Ang wika'y tila bahagharing makulay,

Habang isinasalaysay ang makulay na buhay.

Mga Alamat, Tula at Maikling kwento,

Simbolong pagkakakilanlan ng bawat Pilipino.

Sa bawat letra at salita,

Simbolo ng pagiging makata.

Bawat titik ay mula sa alaala,

Salamin ng mayamang Kultura.

Sa wikang ito'y mananatili ang diwa,

Kaya't ang pluma, ang aking kasangga.

Sa pagtahak ng buhay,

Wikang Filipino ang aking gabay.