Return to site

BAYANIHAN SA WIKA

ni: RENANTE L. DAYDAY

Nag-iisang bayan, watak-watak ang mamamayan

Iisang adhikain, kahirapan ay tuldukan

Bayanihan ng wika, ang panaghoy na diwa

Kumonikasyon at diyalogo, isang daan sa pagbabago

Pagkakaisang inaasam-asam

Pagkamakasarili ay nagiging hadlang

Isalin sa wika naway katotohanan

Wikang Filipino ay makapangyarihan

Pambansang pagkakaisa

Nais marinig ng pusong nangungulila

Wikang Filipino, ang daan sa paghilom

Sugat ng ating bayan, sakit ay maiibsan

Pag-unawa at pagmamalasakit ay maipapakita

Sa ating makapangyarihang Katutubong Wika

Bawat isa sa atin ang nararapat na modelo

Sa pagkakaisa ng buong Bansang Pilipino