Return to site

WIKANG MAKABAYAN

ni: ALFREDO S. DELA ROSA

Wikang Filipino'y tunay na dakila't marangal

Pinagpipitagan saan mang sulok ng bayan

Haligi ng pagkakaisa at katiwasayan

Dangal ng lahing Pilipino at mayamang kasaysayan

Tagalog ang hari ng mga dayalekto

Sandigan ng batayang wika ng mga Pilipino

Nagbuklod ng diwang makabayan sa katagalugan

Maipamalas ang dakilang layuning makamit ang kalayaan

Cebuano ang ilaw sa kabisayaan

Pundasyon ng matatag na pagkakakilanlan

Nagkaisang yakapin ang katolisismong may kabanalan

Pinahalagahan ang pananampalataya sa Poong Maykapal

Maranao ang tinig sa kamindanawan

Pagkakaisa'y ipinamalas ng may kahusayan

Binigkis ang mga bayan sa sining at panitikan

Kultura'y pinayabong ipinagmalaki sa mga dayuhan

Ang yamang tao'y simbolo ng pagkakaisa

Magkakaiba man ang paniniwala'y nais pa ri'y sama-sama

Dakilang layuni'y nasa tamang pagpapahalaga

Kaya nakamit ang kaunlaran ng bansang Pilipinas at nakilala