Dito sa bansa ay halos pangungutya
Isang palaisipang nagmula saw ala
Masarap isiping may sariling wika
Sa ating bansa ay maging tunay na Malaya
Halina’t ipagpatuloy ang wikang agmit
Mapa-Iloko, Cebuano, o Batangueno ang sambit
Sapagkat ito ay siyang nakabuklod
Sa ating lahing sobrang bukod-bukod
Maraming wika’y kiliti sa pandinig
Dahil sa huli ay iyong makakamit
Ang kaligayahang walang panunumbalik
Dahils sa pagsulong ng sariling wikang singtamis ng halik
Ang mahalaga tayo ay nagkakaisa
Anuman ang gamit wikang kinagisnan
Lupang sinisinta’y tumubong Maganda
Pagsintang tila hamog sa lupa’y yumabong sa sigla
Ang wikang tanglaw ay siyang nagsilbing ilaw
Sa karimlan ng kawalan biglang umimbabaw
Mga Pilipino’y di masidlan ng galak at saya
Sa pagkasari-sari ng dilang pinagkaisa ng tadhana
Matatag na bansa’y baliwa’t walang kwenta
Kung sariling wika’y di gamit at ikahiya
Kaya’t atin ng ipagmalaki’t wikang tanglaw ay gamitin
Nang pagkakaisa’y makamit, masabing sariling atin.