Return to site

WIKANG FILIPINO: TINIG NG MALAYA AT NAGKAKAISANG DAMDAMIN!

ni: ADORA A. LOPEZ, EdD, RGC

Pakinggan mo ang daing g Samabayanan

Mga munting tinig ng kawalang-katarungan

Damhin mo ang paghihirap ng mga pagal na kaluluwa

Na pinagkaitan ng hustisya at kawalang pag-asa.

Pagmasdan mo ang paligid na may badya ng karahasan

Nakakatakot na katahimikan tila walang katiyakan

Anino ng kasamaan dala’y pag- aalitan

Kailan kaya makakamtan pangarap na kapayapaan?

Sumisigaw ang damdamin katarungan nawa’y kamtin

Pagkakaisa ng Sambayanan, igawad Mo Poong butihin

Ang boses ng Sambayanan sa wika’y ipinahahayag

Hustiya ay mamamayagpag, bukang-liwayway mababanaag.

Bilang isang lahing pinagpala ng Maykapal

May wikang makapangyarihan, tinig ng bawat mamamayan

O bayan ko gumising ka para sa katarungan at pagkakaisa

Katatagan sa iyong puso, kalasag ng bayang aba!

Tayong lhat hinahamon ng ating bayang mahal

Wikang Filipino dapat nating ikarangal

Ikaw, ako tayo dapat manindigan

Upang makamit natin pagkakaisa’t katarungan!

Iyong palayain ang nakagapos na puso

Muling pag-alabin wikang itinatago

Iparining mo sa bayan ang wika ng ating lahi

Wikang Filipino, wikang mahal ating ipagbunyi!