Return to site

WIKA: TINIG NG PAGKAKAISA

ni: DWEYN D. MARQUEZ

Sa bawat bigkas ng wikang mahal,

Kasaysayan natin ay naipapahayag.

Ito ang tulay ng puso’t isipan,

Sandata laban sa kinabukasan.

Wika’y hindi lang salita ng bibig,

Ito’y damdaming sa puso’y humihimig.

Taglay nito ang lakas ng bayan,

Tinig ng masa, sa hirap ay nagiging guro’t gabay.

Iba-iba man ang ating pinagmulan,

Nagkakaisa sa iisang landas ng bayan.

Sa salitang kapwa, may galak at pagkalinga,

Tulay ng pagkakaibigang wagas at dalisay pa.

Wika ang gabay, sa dilim ng gulo,

Sa alon ng mundo, ito’y liwanag na nabuo.

Kapag tayo’y nag- usap ng may malasakit,

Nagiging payapa kahit bagyong malupit.

Kaya’t itanghal ang wikang mahal,

Sa puso’t gawa ito’y ialay ng tapat.

Bayanihan sa wika’y ating ipagdiwang,

Pagkakaisa ng lahi walang kapantay na yaman.

Kaya’t itaguyod, ipaglaban ng buo,

Ang wika ng lahing matapang at totoo.

Bayanihan sa wika’y ating yakapin,

Pagkakaisa ng bansa’y muling panalunin.