Return to site

SALIMBAYAN NG WIKANG FILIPINO: KAMALAYAN SA KAYAMANAN NG KULTURA

ni: RANI A. RUING

I.

Wikang Filipino hinalaw,

mula Luzon hanggang Mindanao.

Kulturang ating tinatanglaw,

mula Tagalog hanggang Badjao.

 

II.

Bawat saltik ng ating dila,

ay musikang tinitingala.

Magkaiba man sa pandinig,

himig nito ay umaantig.

 

III.

Bawat salita ay refleksyon,

Wari’y musikal na imbensyon.

Naka-aagaw ng atensyon,

dahil sa iniwang impresyon.

 

IV.

Behikulo ng kamalayan,

itong wika ng inang-bayan.

Minana pa sa’ting ninuno,

tila takuyang napupuno.

 

V.

kalinangan na matagumpay,

Sinasalami’y ating buhay.

Wika natin pahalagahan,

Himpilan nating ka-isahan.

 

VI.

Kaya marapat kandilihin,

paggamit nito’y pasiglahin.

Hindi lamang ay kailangan,

sapagkat ito’y kayamanan.

 

VII.

Na sa puso matatagpuan,

ating tunay na kayamanan.

Sumibol sa ritmo ng tinig,

sa dalampasiga’y may himig.

 

VIII.

Kulay nito’y kasaganaan,

taglay ang kagaling-galingan.

Ngiti lamang ng mamamayan,

Simbolo na ng karangyaan.