Libu-libong isla’t pulo
Ang siya rito’y bumbuo
Milyon-milyong Pilipino
Ang siyang nakatira rito.
Mga tao’y iba-iba
Sa kultura at salita
Maging sa paniniwala
Kahit ito’y isang bansa.
Luzon, sentro ng komersyo
May palasyo ng pangulo
Simbahan at mga templo
At samu’t saring kuwento.
Visayas, maraming pista
Tanawi’y napakaganda
Palakaibigan sila
May litson at inasal pa.
Mindanao, bayang etniko
Maranao at Maguindanao
Ang kultura’y katutubo
Paghahabi at epiko.
Ito ang tamang panahon
Upang lahat ng rehiyon
Ay magkaisa't magtipon
At sabay-sabay umahon.
O Panginoon, dinggin mo
Ang hiling ng aking puso
Gabayan ang nasyong ito
Sa pag-unlad at paglago.