Sa isang malayong siyudad ay nakatira ang kambal na magkapatid na sina tonio at mara. Sila ay lumaki sa isang mapagmahal at marangyang pamilya na laging nakukuha ang mga bagay na gustuhin nila. Sa paglipas ng mga taon kasabay ng kanilang paglaki ay unti-unti na ring napapansin ng kanilang magulang ang mga pababago sa kanilang mga pag-uugali maging ang kanilang pakikitungo sa kanilang kapwa, naging mapagmataas sila sa kanilang kapwa na mas mababa ang katayuan sa kanila, nawalan na rin sila ng galang sa mga matatanda maging sa sarili nilang mga magulang.
Lumipas ang mga taon at sa di inaasahan ay tinamaan ng isang matinding sakit ang kanilang ama na naging dahilan ng pagpanaw nito. Lubos na nagluksa ang buong pamilya nila maliban sa magkapatid na para sa kanila ay wala lang nangyari, lubos na nagalit ang kanilang ina dahil dito at naisipang iuwi ang makapatid sa probinsya ng kanilang lolo tomas ng ilang buwan upang sila ay magbago at maisip nila ang mga kamalian na kanilang ginawa. Di nasiyahan ang magkapatid sa desisyon na ito ng kanilang ina ngunit wala nmn silang magawa kundi ang sumunod. Lumipas ang mga araw at nakarating na sila sa probinsya, pagdating na pagdating nila sa bahay ng kanilang lolo ay sinalubong agad sila nito at niyakap bago pinatuloy at doon ay nagkaroon sila ng munting salo-salo. Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam ang kanilang ina na pupunta sa bayan dahil may aasikasuhin daw ito kaya naiwan ang dalawa sa bahay. Naisipan ni lolo tomas na ipasyal mo na ang dalawang bata sa kanyang bahay upang malaman nila ang bawat sikot nito. Nilibot nila ang bawat kwarto ng bahay at may isang kwarto dito ang ipinagbawal na buksan ng kanilang lolo, sinubukan nilang tanungin ang kanilang lolo kong anong nasa loob ng kwartong iyon ngunit ang sagot lamang nito sa kanila ay mga lumang gamit lang daw. Di naniwala ang dalawa sa kanilang lolo kaya mas lalong napaisip ang magkapatid kong ano ba talaga ang nasa kwartong iyon kaya nagkasundo silang pasukin ito.
Sumapit ang gabi habang mahimbing na natutulog ang mga tao sa bahay ay dahan-dahang bumangon ang dalawa upang puntahan ang kwartong iyon dala-dala ang mga ilaw sa kanilang telepono ay unti-unti nilang binuksan ang pinto ngunit ang bumungad lamang sa kanila ay isa lamang lumang baul, lubos na nadismaya ang magkapatid at aalis na sana ng biglang lumiwanag ang baul kaya dahan-dahan nila ito nilapitan at binuksan, ng mabuksan nila ito ay bigla naman silang hinigop nito. Nagising ang makapatid sa isang lugar na di pamilyar sa kanila ang mga bahay ay gawa sa kubo ganun narin ang mga kasuotan nila na naka baro't saya, ngunit pinabayaan na lamang nila ito at nagsimulang maglakad. Sa ilang oras na paglalakad nila ay unti-unti na silang nawawalan ng pag-asa na sila'y makauwi pa, at sa di inaasahan ay may nakabangga silang isang bata ito ay si tomas ang kanilang lolo noong bata pa, doon ay napagtanto nila na parang ibinalik sila ng baul sa nakaraan, sa una ay hindi makapaniwala ang dalawa ngunit ng makompirma nila ito ay lubos silang namangha. Dinala ni tomas sina tonio at mara sa kanilang bahay at doon ay nalaman nilang laki pala sa hirap si tomas at nakatira lamang sa isang kubo, naalala nila ang kanilang pangungutya sa mga mahihirap na bata noon at nakaramdam ng pagsisisi. Pinakain sila nito kahit na parang kulang pa sa kanila ang pagkaing inihanda ng nanay ni tomas. Ikweninto ni tomas na mahilig talagang tumulong ang kaniyang mga magulang sa mga kababayan nilang nahihirapan at nais niya ring maging ganoon, at sa unang pagkakataon ay naantig ang magkapatid sa kwento ni tomas at nangako sa kanilang mga sarili na magbabago na sila. Lumipas ang mga araw at naging masaya ang naging karanasan nila kasama si tomas marami silang nagawa na di pa nila nagagawa noon tulad ng pagtatanim at pamimitas ng mga gulay at prutas, pati na ang sumali sa pagbabayanihan ng mga tao dito. Unti-unti na rin nilang natututunan ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa mga mumunting bagay lamang maging pati na ang pagrespeto at pagmamahal sa kapwa at pamilya.
Sa kalagitnaan ng gabi ng araw ding iyon ay sinundo na sila ng kanilang lolo tomas upang umuwi, ito pala ay ginawa nya upang sila ay matuto sa kanilang mga pagkakamali at maitama ito sa kanilang pagbalik. Masayang nakabalik ang magkapatid sa kasalukuyang panahon baon ang mga aral na kanilang napulot sa batang tomas, dali-dali silang tumakbo sa kanilang nanay at humingi ng tawad sa mga nagawa nilang kasalanan at nagpasalamat para sa mga sakripisyo na kanilang ginawa. Nang makauwi na sila sa kanila ay agad nilang pinuntahan ang mga taong kanilang nagawan ng kasalanan upang humingi ng kapatawaran sa mga ito, lubos na nagtaka ang mga tao sa biglang pagbabago ng kanilang mga ugali ngunit mas nangibabaw parin ang tuwa at saya sa bawat isa. Simula noon ay tuluyan ng nagbago ang magkapatid at mas lalo pang napamahal sa kanilang kumunidad.