ABSTRAK
Ang palabas na Maria Clara at Ibarra (MCAI) ay isang Historikal Drama na namayagpag sa telebisyon mula Oktubre 3, 2022 hanggang Pebrero 23, 2024. Ang pananaliksik na ito ay naglayong matukoy ang mga katangian ng MCAI na nagpapatingkad bilang isang dramang historikal, sinikap din na iisa-isahin ang pangunahing puwersang kultural na tinanghal sa palabas at kung paano sinuri ang MCAI gamit ang Pagbasang Paloob ni Louie Jan Sanchez. Ginamit ang pagbasang paloob ni Sanchez upang maging tuntungan ng pag-aaral. Lumabas sa pagsusuri na ang MCAI ay naiuri bilang isang dramang historical dahil napatingkad ito ng ilang mga katangian. Kabilang dito ang sumusunod: Ang banghay ng teleserye ay salig sa kaganapang naitala sa kasaysayan. Pangalawa, taglay ng MCAI ang mga katangian tulad ng Historical Accuracy, Characteriation, Tagpuan at Kostyum, Banghay, Mensahe, Pagganap, Diyologo at skrip, Sinematograpiya, Konseptong Kultural at Sosyal, Critical Recepcion at Legasiya. Ang mga pangunahing puwersang kultural na itinanghal ng palabas na MCAI ay ang—puwersang pang-ekonomiko, political, panlipunan, historikal, etikal, at panrelihiyon. Sa pagsusuri ng MCAI gamit ang pagbasang paloob ni Louie Jan Sanchez, nabatid na ang palabas ay tumalakay sa kalagayan ng Pilipinas noong panahon ng Kastila at panahon ng kasalukuyan kung saan ang bawat tauhan ay may symbolismo. Natuklasan din na ang karakter ni Klay ay simbolismo ng modernong babaeng Pilipina. Inirerekomda na lumikha pa ng mas maraming pananaliksik ukol sa mga palabas na nagbibigay ng repraksyon sa kasalukuyang Lipunan.
Susing Salita: Dramang Historikal, Maria Clara at Ibarra, Pagbasang Paloob
INTRODUKSYON
Naging bahagi na ng araw-araw na pamumuhay ng bawat isang ordinaryong tao ang panonood ng telebisyon. Mapamatanda, bata mayasawa o wala ay naglalaan ng oras upang mapanood ang isang palabas na kaniyang nanaisin. Hindi maikakaila na malaki pa rin ang porsyento ng mga kabahayan ang may telebisyon at nanonood dito. Nakapukaw-pansin sa mananaliksik ang pagkahumaling ng maraming Pilipino sa mga teleseryeng pinalalabas sa telebisyon.
Ayon kay Arcangel (2017), Ang telebisyon ay nananatili pa ring libangan ng maraming pamilya sa Pilipinas. Sa mga datos naitala gamit ang sarbey na isinagawa sa pamumuno ng Media Intelligence Firm Kantar Media, 96.6 na bahagdan ng Pilipino ang araw-araw na nanonood ng telebisyon. Ang datos ay nadagdagan mula noong 2014 na pumalo lamang sa 91.2 posyento. (Archanghel, 2017). Ayon naman kina Bacani, Cristobal, Dayrit, Maneje at Quiambao (2014), “Telenobela ay isang modernong katawagan sa teleserye” (p.1). Naparaming teleserye ang patuloy na ipinakikila ng telebisyon sa mga mamamayan. Umaga, tanghali, hapon o gabi, hindi mawawala ang teleserye sa skrin ng telebisyon mula pagkabata hanggang sa pagtanda, patuloy na nahuhumaling ang maraming Pilipino sa teleserye. Dagdag pa nina (Bacani et al.,2014), “Ang Philippine Drama o mas kilala bilang teleserye ay maaring uriin sa iba’t ibang anyo at genre. Ang teleserye/teledrama ay isang uri na napapanood sa telebisyon sa karaniwang hindi makatotohanan o walang pawing pruweba na masasabing ito ay totoo” (p.14). Sang-ayon din sa Diskursong sinulat ni Victoria (2017) ang Telenobela ay nagkaroon ng ebolusyon. Mula sa mga Soap Opera na nakilala rin bilang Mini-Series, sumulpot ang mga Asian-Nobela na mula sa mga karatig-bansa ng Pilipinas sa Asya. Nakilala rin ang Chinovela na buhat sa mga bansang China at Taiwan at ang pinakakilalang Koreanovela. Dulot ng napakaraming ebolusyon, nakilala rin ang dramang historikal. Ito ay ang mga palabas o maari ring pelikula na tumatalakay sa ilang kaalaman tungkol sa kasaysayan o ilan pang karunungang naitala ng nakaraan. Sa pananaliksik na ito, bibigyang tuon ng mananaliksik ang Piksyunal na Historikal drama na pinalabas sa telebisyon. Batay nga sa pag-aaral ni Edgerton (2000) tungkol sa mga Televised Historical Drama at Impluwensya nito mga manonood tungkol sa nakaraan; Binanggit niya na sa panahon ngayon ay mas naging malawak na negosyo ang kasaysayan sa telebisyon sa parehong komersyal at pampublikong network gayundin sa mga korporasyon at independent na prodyuser. Sang-ayon naman kay Meimeic (2017) malawakang tinalakay ni Eagleton ang iba't ibang puwersang kultural at ideolohikal na humuhubog sa literatura at lipunan. Bagaman saklaw ng mga akda ni Eagleton ang malawak na spektrum ng kultural na pagsusuri, narito ang ilang pangunahing konsepto at puwersa na sentral sa kanyang pagsusuri, na hango mula sa kanyang malawak na hanay ng mga akda, partikular mula sa mga librong "Literary Theory: An Introduction”, The Funtion of Criticism: From the Spectator to PostStructuralism.” at "The Ideology of the Aesthetic." Ang puwersang ekonomiko, politikal, panlipunan, pangkasaysayan, sikolohikal, aestetiko, etikal at tungkol sa relihiyon ay ang puwersang kultural salig kay Eagleton. Ang palabas na Maria Clara at Ibarra (MCAI mula ngayon) ay isang Historikal Drama na namayagpag sa telebisyon mula ika-3 ng Oktubre taong 2022 hanggang ika-23 ng Pebrero, 2024. Ito ay idinerehe ni Ginoong Zig Dulay, at naisulat sa pangunguna ni Suzette Doctolero. Binubuo ito ng 105 episodes na umikot sa kwentong pantasya. Pinagbidahan ito ng karakter na si Klay, isang batang gen z na napunta sa tagpuan ng mga sikat na Nobela ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Dito ay nakilala ng karakter na si Klay Infantes (ginanapan ni Brabie Forteza) ang pangunahing karakter sa palabas na kinalinagang makipamuhay sa mga taong nabasa niya lamang sa aklat. Ang kuwento ay nagsimula nang kailanganing pag-aralan ni Klay ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filbusterismo upang makapagkomplay siya sa kahingian sa kaniyang asignatura na Buhay at mga sinulat ni Rizal. Si Klay Infantes ay isang estudyante sa kasalukuyang panahon na nagaaral ng kursong Nursing. Siya ay isang tipikal na kabataan na tila walang interes sa kasaysayan ng Pilipinas. Ngunit sa isang hindi inaasahang pangyayari, natagpuan ni Klay ang kanyang sarili na nai-transport sa mundo ng "Noli Me Tangere." Dito, nakilala niya ang mga pangunahing tauhan ng nobela: sina Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Padre Damaso, Sisa, Basilio, at iba pa. Habang naroon siya, natutuhan ni Klay na maunawaan ang kahalagahan ng mga pangyayari sa kasaysayan at kung paano ito nakaapekto sa kasalukuyang panahon. Habang nananatili sa mundo ng nobela, natutunan ni Klay ang mga aral ng pagmamahal sa bayan, pagkakapantay-pantay, at hustisya. Nakita niya rin ang mga sakripisyo ng mga karakter upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan laban sa mapang-aping sistema ng kolonyal na pamahalaan. Sa kanyang paglalakbay, si Klay ay naging saksi sa mga mahahalagang pangyayari tulad ng mga laban ni Ibarra para sa katarungan, ang trahedya ng pag-iibigan nila ni Maria Clara, at ang kabayanihan ng mga karakter sa harap ng pang-aabuso ng mga kolonyal na may kapangyarihan. Ang kanyang mga karanasan sa loob ng nobela ay nagturo kay Klay ng mga mahahalagang aral na kanyang dinala pabalik sa kanyang mundo, na may mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas at sa mga bayani na nagbuwis ng buhay para sa kalayaan. Buhat dito, nilayon ng pananaliksik na ito na matukoy kung ano ang mga katangian ng Maria Clara at Ibarra na nagpapalakas bilang dramang Historikal. Gayundin nilayon ng pananaliksik na ito na malaman kung ano-ano ang mga pangunahing Puwersang Kultural ang itinanghal ng MCAI sa tulong ng interpretasyon ni Meimeic (2017) at kung paano paano sinuri ang dramang historical na MCAI gamit ang Pagbasang Paloob ni Louie Jan Sanchez.
Paglalahad ng Suliranin Ang pananaliksik na DRAMANG HISTORIKAL BILANG PUWERSANG KULTURAL: PAGSUSURI SA KASO NG MARIA CLARA AT IBARRA ay tutugon sa sumusunod na mga suliranin:
1. Ano ang mga katangian ng MCAI na nagpapatingkad bilang Dramang Historikal?
2. Ano-ano ang mga pangunahing puwersang kultural ang itinanghal ng MCAI?
3. Paano sinuri ang dramang historical na MCAI gamit ang Pagbasang Paloob ni Louie Jan Sanchez?
see PDF attachment for more information