Return to site

LIWANAG

ni: TRISHCA JAYE CORDOVA

Sa pagmulat ng mga mata

Araw ay sumisilay

Sa bawat salitang binibigkas

Pagkakakilanlan ay naipapakita

Ito'y nagsilbing pintuan

Na nag bukas sa isipan

Naging liwanag

Kung ano ang mga taglay na kayaman

Ito'y lubos na mahalaga

Sapagkat ito ang dahilan ng pagkalaya

Dulot ay pag usbong ng kultura

Wikang hindi dapat ikinakaila

Isang Liwanag

Na nagbibigay ng pag asa

May napakalaking importansiya

Sa kung ano, sino, at mayroon tayo