BUOD:
Paborito ni Lele ang pulang plato nila ngunit nagtataka siya dahil hindi niya ito madalas makita tuwing kakain sila. Namangha siya ng isang araw ay muli niya itong nasilayan sa kanilang hapag kainan.
ISTORYA:
“Lele, bumaba na kayo at kakain na tayo,” ani Inay.
Sa aming bahay ang nakatira ay ako, si Inay, si Tatay at mga kapatid ko. Batang makulit ang tawag sa akin dahil marami ako mga tanong. Mabait at masunurin naman ako tuwing ako ay hindi nangungulit.
“Nasaan kaya ang aming pulang plato?” tanong ko kay Inay paglapit ko sa lamesa.
Kakain na kmi ng agahan, ang ulam ay tortang sayote at may mainit na tsokolate gawa sa tablea.
“Inay, nasaan ang ating pulang plato?” tanong ko habang kumakain.
“Kumain ka na d’yan ang dami mong tanong”, sagot ni Inay.
Kakain na kami ng tanghalian, ang ulam naman ay mainit na tinolang manok.
“Nasaan ang ating pulang plato?” tanong ko habang kumakain.
“Kumain ka na d’yan ang dami mong tanong”, muling sagot ni Inay.
Kakain na kami ng hapunan, ang ulam ay isang malaking inihaw na isda.
“Nasaan ang ating pulang plato?” tanong ko habang kumakain.
“Kumain ka na d’yan ang dami mong tanong”, muling sagot ni Inay.
Ako ay natulog na nang hindi sinagot ni Inay ang tanong ko.
Kinabukasan, dumating ang aking mga kamag-anak mula sa malayong lugar.
“Halina kayo at kakain na tayo”, tawag sa amin ni Inay.
Masarap ang aming ulam, ang potcherong sikat sa aming bayan.
Pag-upo ko sa lamesa ay kuminang ang aking mga mata at abot tenga ang aking mga ngiti.
“Inay!!!!, sa wakas heto na ang ating pulang plato, inilabas mo na.”
“Ang sarap naman kumain dito sa ating espesyal na platong pula,” sambit ko.