Return to site

KAKALASAN

ni: DOLLY T. TIAOSON

Bago pa man naging sadyang maalat ang dagat,

May mga pamana na ang ating pangkat.

Hindi upang limutin, hindi upang balutin –

Pamanang dapat ibahagi sa mumunting supling.

Pilit mang inangkin, pilit mang pinuling,

Mamayagpag, bawiin ang atin.

Sariling pagkakakilanlan para sa iisang lahi?

Ah, anong tamis! Ah anong langit!

Kaya ilapag sa hapag ng panatikong bulag.

Kultura nati’y kalasag sa kasaysayang huwad!

Sa pagkakaroon ng diwang tunay na malaya,

Kultura’t lahi muna’y huwag ikahiya.

At sa kakalasan, hindi maitago ang ningning…

Hiyas ng lupang sinilangan, salamin ng kulturang mayaman.

Mula sa lalim ng ilog hanggang sa tayog ng bituin –

Kumikislap, hinahamak lalong tunay ang bawat kulimlim.