Wikang Filipino sa mayamang kultura
ng bansang Pilipinas, adhikaing kay ganda
Sumasalamin sa bawat buhay, paglinang ang pag-asa
Di mawari ang pag-aalala, patuloy ang pakikibaka
Moderno na ang kasalukuyan, mahalaga pa rin ang nakaraan
Halina’t balikan, pag-usbong ng wika sa Silangan
Perlas kong mahal, kapwa Pilipino ang sandigan
Wikang nagbukas ng pintuan sa ating kalayaan
Tunay ngang makasaysayan ang kultura ng ating bayan
Wikang Filipino, isa sa ating mga kayamanan
patuloy mong mahalin at ito’y pangalagaan
suklian ang dugo’t pawis ng mga bayaning nakipaglaban
Sa anumang larangan, napakahusay mo kaibigan!
Pagsulat sa wika’y, tunay na karangalan
Salamin ng kultura, yaman na walang kapantay
Ibuhos ang pag-ibig sa wika, sa kabiguan man o tagumpay.
Alay kong tula, taimtim mong pakinggan
Sa pag-ikot ng panahon, wika'y di kayang palitan
Sa puso'y nakaukit, kagalakan walang pagsidlan
Bilang may-akda, natupad ko ang misyon sa kasalukuyan.