Sa wikang Filipino tayo’y nagkakaisa,
Bawat salita’y may saysay na dala,
Nagkakaunawaan ang bawat isa,
Kahit saan mang dako tayo mapunta.
Mula Luzon, Visayas hanggang Mindanao,
Wikang Filipino ang ating gabay,
Pinag-iisa at pinag-uugnay,
Sa pagkakaiba-iba, ito ang ating tanglaw.
Sama-samang paunlarin ang wikang Filipino,
Dulot ay kaunlaran at magandang pagbabago,
Nagbubuklod sa bansa tungo sa pag-asenso,
Pinatitibay ang pagkakaisa nating mga Pilipino.
Bayanihan sa wika, tagumpay ay tunay!
Kaya’t ingatan, sa puso’t diwa’y itaglay.
Patuloy na ipagmalaki, ipahayag nang may sigla,
Wikang Filipino, Wika ng pagkakaisa!