“Ayoko! Hindi ko alam! Tigilan niyo ako! Hindi ako tamad! Aaaaaahhhh!” Umalingawngaw ang sigaw ni Nathan sa loob ng silid-aralan. May umiyak. May natakot. May nagulat. Nabigla ang lahat.
Sa isang sulok ng classroom, may isang batang palaging napapansin, si Nathan. Hindi dahil siya ang pinakamagaling. Kundi dahil siya ang batang:
Hindi gumagawa ng assignment.
Hindi nakikipag-participate.
Palaging antukin.
Tahimik… ngunit biglang nagsisigaw
Minsan ay nagwawala at tumatakbo sa loob ng silid
Naninira ng gamit at nakikipag-away.
Para sa karamihan, iisa lang ang tingin sa kanya: “Tamad.”
Ngunit may isang taong hindi agad humusga. Si Titser Issa.
Si Titser Issa ay masipag, responsable, at disiplinadong guro. Galing siya sa simpleng pamilya kaya mahalaga sa kanya ang pag-aaral. Ngunit kahit gaano siya kasipag at kagaling an guro…
Hindi niya maintindihan si Nathan.
“Bakit ganun siya?” madalas niyang tanungin sa sarili.
“Kung gugustuhin niya lang, kaya naman niyang umayos…”
Isang araw, habang may talakayan sa klase, tinawag ng guro si Nathan.
“Nathan, ano ang sagot mo?”
Tumayo siya. Tahimik.
Nakatitig lang sa sahig.
Hanggang sa…
Bigla siyang sumigaw.
“Ayoko! Hindi ko alam! Tigilan niyo ako! Hindi ako tamad! Aaaaaahhhh!”
Napatakbo siya sa loob ng silid. Nagbagsakan ang upuan. May nabasag na proyekto. May napaiyak na kaklase. Natakot. Nabigla ang lahat.
Napabuntong-hininga si Issa.
“Pasaway talaga…”
Kinahapunan, nakita ni Titser Issa si Nathan na mag-isang nakaupo sa hagdan. Hindi siya galit. Hindi siya maingay. Tahimik lang… parang naliligaw.
Lumapit si Titser Issa.
Sa unang pagkakataon, malumanay ang kanyang boses.
“Nathan… anong problema mo?”
Matagal ang katahimikan.
Akala niya, hindi ito sasagot.
Ngunit mahina nitong sinabi: “Hindi ako makasabay…”
Napatingin si Titser Issa.
“Anong ibig mong sabihin?”
Napaluha si Nathan.
“Minsan…gugus… gusto kong sumagot… pero…pero parang sabay-sabay ang ingay sa ulo ko…”
“Gusto kong gumawa ng assignment… pero nakakalimutan ko po…”
“Gusto kong makinig… pero bigla akong napapagod po ako…”
Huminga siya nang malalim.
“At kapag hindi ko na kaya… sumisigaw na lang po ako titser…”
Mahina niyang idinugtong:
“Hindi po ako tamad…”
“Hindi po ako tamad titser…”
“May kakaiba po akong nararamdaman at tila kakaba kakaiba po ako sa kaklase ko”
Kinabukasan, kinausap ng paaralan ang ina ni Nathan na si Ginang Rona. Hindi rin pala niya maintindihan ang ugali ng anak kahit sa bahay.
Ayon Gianang Rona madalas si Nathan ay:
Hindi matapos ang mga gawain.
Bigla biglang nagagalit.
Hirap matulog.
Minsan masayahin, tapos biglang tahimik.
Tulungan niyo po kame Titser Issa. Ano po ang dapat namen gawin kay Nathan.
Ginang, Ano ang dapat nating gawin. Sa palagay ko po kailangan po nating patingnan sa espesyalista si Nathan para lubios nating maunawaan ang mga bagay na hindi naten maunawaan sa kaniya. Narito din po ang akin Anecdotal record and observations sa kanya. Ipakita naten sa Espesyalista.
Sa tulong ng paaralan, napatingnan si Nathan sa espesyalista. At doon nalaman ang katotohanan. Si Nathan ay may: Autism Spectrum Disorder (ASD) at Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD).
Biglang nagbago ang lahat.
Hindi ang bata. Kundi ang pag-unawa sa kanya.
Hindi siya tamad.
Hindi siya pasaway.
Hindi siya walang pakialam.
Iba lamang ang paraan ng kanyang pagkatuto.
Sa tulong ni Titser Issa.
Nabigyan siya ng malinaw na instruksyon si Nathan sa pamamagitan ng Individual Education Plan o IEP.
Pinayagang magpahinga kapag overwhelmed.
Binawasan ang sabay-sabay na gawain.
At si Titser Issa?
Lumapit siyang muli. “Nathan…”
“Po?”
“Turuan mo ako kung paano kita matutulungan.”
Ngumiti si Nathan.
Sa unang pagkakataon…
Hindi pilit…
Masaya…
At may pagtitiwala…
Minsan, ang batang tahimik ay hindi matigas ang ulo.
Minsan, ang batang magulo ay hindi pasaway.
Minsan… Ang batang tinatawag nating tamad ay:
Nahihirapan lang…
Nalilito lang..
Nangangailangan lang ng pag-unawa at supporta.
Hindi lahat ng problema sa pag-uugali ay nadadaan sa disiplina.
Minsan, ang tunay na solusyon…
Pag-unawa bago paghuhusga.
Dahil may mga batang tulad ni Nathan na nais lamang sabihin:
“Hindi ako tamad… iba lang ang paraan ng aking pagkatuto.”