ABSTRACT
Ayon sa K to 12 basic educational curriculum ng Senior High School naka angkla sa kanilang kasanayan sa pagkatuto ang pagsasagawa ng pananaliksik. Basi sa unang survey na ginawa ng mga mananaliksik bago pa ginamit ang GSP11/12mina o Gabay sa Pananaliksik sa grade 11 at 12 ay 100% na mga mag-aaral sa Grade 11 at 90% naman na mga mag-aaral sa Grade 12 ang walang kakayahan na gumawa ng isang pananaliksik, kulang sa kaalaman at hindi alam kung paano simulan ang paglikha Sa kabuoan ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang epekto ng GSP11/12mina na isang mobile application sa mga mag-aaral ng grade 11 at 12 Policarpo H. Milliona Central Integrated School.
Basis a resulta ng pag-aaral lumabas ang overall mean ay nasa 4.13 at ito ay nagpapahayag ng mataas na resulta. Masasabing ang paggamit ng GSP11/12mina ay mayroong positibong epekto sa paghasa ng kasanayan sa pananaliksik ng mga mag-aaral sa grade 11 at 12 ng Policarpo H Millona Central Integrated School. Ang suliraning kinaharap ng mga mananaliksik sa pagsasagawa ng interbensyon ay ang kawalan ng internet connection ng mga mag-aaral sa kanilang tahanan, dahil dito sa tuwing nasa klase ang mga mag-aaral ay ginagamit ng guro ang kanyang sariling internet upang magamit ng mga mag-aaral ang mobile application at masolusyonan ang problema.
Keywords: GSP11/12mina, mobile application, educational curriculum
I. INTRODUCTION O RATIONALE
Ayon sa K to 12 basic education curriculum ng Senior High School naka angkla sa kanilang kasanayan sa pagkatuto ang pagsasagawa ng pananaliksik.
Sa pag-aaral nina Hinze at al. 2022, ang paggamit ng isang mobile application sa pagtuturo ng mataas na antas ng pananaliksik ay nakakatulong sa mga mag-aaral na maging produktibo at bihasa sa larangan ng pananaliksik.
Ang Paghasa sa kasanayan sa Pananaliksik sa Baitang 11 AT 12 ng Policarpo H. Milliona Central Integrated School ay maituturing na napakalaking hamon. Sa pagkat ang pananaliksik ay isang maingat at masusing sulatin.
Basi sa unang survey na ginawa ng mga mananaliksik bago pa ginamit ang GSP11/12MINA o Gabay sa Pananaliksik sa grade 11 at 12 ay 100% na mga mag-aaral sa Grade 11 at 90% naman na mga mag-aaral sa Grade 12 ang walang kakayahan na gumawa ng isang pananaliksik, kulang sa kaalaman at hindi alam kung paano simulan ang paglikha.
Layunin ng pag-aaral na ito na mahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa grade 11 at 12 sa larangan ng pananaliksik gamit ang GSP11/12MINA. Ito ay isang mobile application na ginawa ng mga mananaliksik noong Disyembre 2022. (https://www.jotform.com/app/223518633587464?utm_source=jotform_pwa)
II. INNOVATION, INTERBENSYON, AT ISTRATIHIYA
Nakasaad sa DepEd memorandum no. 42, s.2015 ang pagtuturo ng komunikasyon at Pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino sa Senior High School core Curriculum upang mahasa ang kasanayan sa pananaliksik ng mga mag-aaral sa grade 11 at 12.
Ayon sa pag-aaral nina Hinze at al. 2022, ang paggamit ng isang mobile application sa pagtuturo ng mataas na antas ng pananaliksik ay nakakatulong sa mga mag-aaral na maging produktibo at bihasa sa larangan ng pananaliksik
Ang GSP11/12mina: Paghasa ng Kasanayan sa Pananaliksik sa Baitang 11 at 12 ay isang uri ng mobile application na ginawa ng mga mananaliksik, Ang pag-aaral na ito ay naniniwala na sa pamamagitan ng patuloy na paggamit ng mobile application na ito ay matutulungan ang mga mag-aaral sa paghasa ng kanilang kasanayan sa pananaliksik.
Ang pag-aaral na ito ay mayroong limang prosesong sinunod,1.) pagsasagawa ng pre-survey sa mga mag-aaral ng Senior High School ng Policarpo H. Milliona Central Integrated School, 2.) pagpapakilala ng GSP11/12MINA o Gabay sa Pananaliksik sa Grade 11 at 12 na ipinakita sa mga mag-aaral ang mga bahagi at ang tamang paggamit ng application na ito. 3.) paggamit sa pang-araw araw na talakayan na may kaugnayan sa Pagbuo ng isang Pananaliksik 4.) pagsasagawa ng Pananaliksik 5.) pagsasagawa ng post-survey sa mga mag-aaral tungkol sa naitulong at mga natutunan ng mga mag-aaral sa mobile application na ito.
Sa kabuuan ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang epekto ng GSP11/12mina na isang mobile application sa mga mag-aaral ng grade 11 at 12 Policarpo H. Milliona Central Integrated School.
see PDF attachment for more information