Return to site

TULA NG BAYAN!

ni: NILO A. LARDIZABAL, PhD

I.

Bakit kaya sa wika walang pakundangan?

Kakulangan sa kadalubhasaan itinangha?

Bakit humina ang ningas ng wika?

Bakit humantong na sa walang pakielamanan?

Sablay na ba ang wika? Ganun na ba?

“uh-huh” ang ipinalit sa magalang na pagsambit?

Ang wika ang syang nagbibigkis hindi ba?

Pero tila ang gustong matutunan ay yaong naiiba.

“Anneyong” na ba at hindi “Mabuhay”?

Tunog “corny” ba at makaluma?

Bakit? Anong wika pa ba ang ninanais?

Di pa nga dalubhasa sa sariling atin.

II.

Pero teka! Di ka takas dito ano ka?

Tamad din kaya tayo, o kaya’y walang pakielam.

Kalikasan dinumihan, ginawang tapunan ang bayan.

Ginaya ang korapsyon ng iilan, dumami tuloy ang lamangan.

Heto ang problema, pero nakatitig sa telenobela.

Mas pinakikinggan ata ang laman ng “social media”?

Wikang banal, tinabi na lamang?

Kaya pa bang diretsahang salita? Wikang wagas!

III.

OK na ba? Alam na ang gagawin?

Di naman masama ang banyaga - kultura at wika.

Huwag lamang kalimutan ang sariling atin.

Lawakan ang isip, subalit ati’y pagyamanin din.

Wika! Wikang sarili ang solusyon,

Sa mga suliranin ng bayan!

Eto ang solusyon sa pagsasarili at pagkakanya-kanya.

Wika ang magbibigkis at maghihilom.

Wika ang solusyon!

Huli na ito na aking idadagdag.

Ako ma’y mayroong pagkukulang lubos.

Kaya nga sa aspetong ito,

Hindi ba dapat magtulungan tayo?

Mahalin ang wika.

Ito ang ugnayan natin, baka nga’t tagapagligtas.

Pag may pumasok na “iba”,

Uunain pa din ang atin, matic dapat yun di ba?