ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tukuyin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa paggamit ng teknolohiya bilang kasangkapan sa pagkatuto ng wikang Filipino. Sa makabagong panahon, mahalaga ang papel ng teknolohiya sa edukasyon, lalo na sa pagpapalawak ng kaalaman sa wika. Gumamit ang mga mananaliksik ng deskriptibong pananaliksik at gumamit ng talatanungang upang masukat ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga teknolohikal na kagamitan at plataporma gaya ng Google Classroom, Youtube, at mga educational apps. Batay sa resulta, lumitaw na may sapat na kaalaman ang mga mag-aaral ngunit may kakulangan pa rin sa epektibong paggamit nito sa paglinang ng kasanayang lingguwistiko. Bilang tugon, iminungkahi sa pag-aaral ang mga gawaing pedagogikal na maaaring makatulong sa pagpapabuti ng paggamit ng teknolohiya sa pagkatuto ng Filipino.
Ang edad na 26-30 ang may pinakamadaming edad na naging respondente mula sa guro at karaniwan ay babae.
Ang mga respondente ay lubos na sumasang-ayon sa paggamit ng teknolohiya sa pagkatuto ng wikang Filipino.
Walang makabuluhang pagkakatulad ang edad at kasarian ang sagot ng respondente batay sa kanilang propayl.
Ang intebensyong ginawa ng kasalukuyang mananaliksik ay modyul sa Filipino.
Mga Susing Salita: teknolohiya, wikang Filipino, pagkatuto, antas ng kaalaman, mungkahing gawain