ABSTRAK
Sa makabagong panahon, naging bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ng mga mag-aaral ang paggamit ng teknolohiya sa kanilang pagaaral. Layunin ng pananaliksik na ito na tukuyin ang pananaw ng mga guro, magulang, at mag-aaral ukol sa epekto ng teknolohiya sa pagkatuto ng mga bata sa asignaturang Filipino. Sinuri sa pag-aaral ang mga positibo at negatibong epekto ng paggamit ng gadgets, internet, at iba pang teknolohikal na kagamitan sa pag-unawa, kasanayan sa pagbasa at pagsulat, at aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral. Gumamit ng sarbey at panayam ang mga mananaliksik upang makalap ang datos mula sa piling mga mag-aaral sa elementarya. Lumabas sa resulta na nakatutulong ang teknolohiya sa pagpapalawak ng kaalaman at pagkatuto sa malikhaing paraan, subalit nagiging sanhi rin ito ng kakulangan sa pokus, limitadong interaksyon sa klase, at maling paggamit ng wika.
Bilang tugon, iminungkahi ng pananaliksik ang ilang gawaing pedagogikal na maaaring gamitin ng mga guro upang mapanatiling makabuluhan ang pagkatuto sa Filipino sa kabila ng paggamit ng teknolohiya. Ang ang edad na 14 ang may pinaka madaming edad na naging respondente mula sa Nasugbu Christian Faith Academy at karaniwan ay mga babae.
Ang mga respondente ay sumasang-ayon sa epekto ng makabagong teknolohiya sa pag aaral sa Filipino.
Walang makabuluhang pagkakatulad ang edad at kasarian ang sagot ng respondente batay sa kanilang propayl.
Ang interbensyong ginawa ng kasalukuyang mananaliksik ay modyul sa Filipino.
Mga Susing Salita: Teknolohiya, Filipino, Pagkatuto ng Bata, Pagsasanay, Pananaw, Mungkahing Gawain