Return to site

IMPLUWENSIYA NG DAYUHANG WIKA SA KASANAYANG GRAMATIKAL NG MGA MAG-AARAL NG HUMSS SA

TUY SENIOR HIGH SCHOOL

JAZZ A. TUMBAGA

Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation, Inc.

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa impluwensiya ng dayuhang wika, partikular na ng wikang Ingles, sa kasanayang gramatikal ng mga mag-aaral mula sa strand na Humanities and Social Sciences (HUMSS) sa Tuy Senior High School. Layunin ng pananaliksik na matukoy kung paano naaapektuhan ng paggamit ng Ingles ang pang-araw-araw na komunikasyon at pag-aaral ng tamang gamit ng gramatika sa wikang Filipino. Gumamit ang mga mananaliksik ng deskriptibong metodolohiya at nagsagawa ng sarbey sa piling mag-aaral ng HUMSS upang mangalap ng datos. Ipinakita sa resulta ng pag-aaral na amay positibo at negatibong epekto ang impluwensiya ng dayuhang wika: nakatutulong ito sa pagpapayaman ng bokabularyo ngunit nagdudulot din ng kalituhan sa wastong estruktura ng nga pangungusap sa Filipino. Inirerekomenda ng pag-aaral na balansehin ang paggamit ng Ingles at Filipino upang mapanatili ang kasanayang gramatikal ng mga mag-aaral sa sariling wika.

Ang edad na 17 ang may pinakamadaming edad na naging respondente mula sa Senior High School at karaniwan ay mga babae.

Ang mga respondente ay sumasang-ayon na mahalaga ang impluwensiya ng dayuhang wika sa kasanayang gramatikal sa mga mag-aaral. Walang makabuluhang pagkakatulad ang edad at kasarian ang sagot ng respondente batay sa kanilang propayl.

Ang interbensyong ginawa ng kasalukuyang mananaliksik ay modyul sa Filipino.

Mga Susing Salita: dayuhang wika, gramatika, wikang Filipino, wikang Ingles, HUMSS, kasanayang gramatikal