Return to site

WIKANG PAMANA

ni: GREZI P. DULAY

· Volume V Issue I

Wikang Filipino ay dapat mahalin

Isapuso dahil ito’y sariling atin

Sarili nating wika ating tangkilikin

Sapagkat ito’y pamana sa atin

 

Ang wikang Filipino ay napakahalaga

Ito’y sumasalamin sa ating wika at kultura

Tungkulin natin na pagyabungin

Dahil ito’y sariling wika natin

 

Wikang pamana ng ating lahi

Ito’y wika na ating ipagmalaki

Kailanman ay hindi maglalaho

Dahil wikang tatak ng mga Pilipino

 

Mahalaga ang papel ng wikang Filipino

Lalo na sa ating mga Pilipino

Kahit saan man tayo sa mundo

Ito’y wikang nagpapakita ng ating pagkaPilipino