Return to site

WIKANG KATUTUBO TUNGO SA PAGLAGO

ni: FLORDELIZA R. DIGNO

I

Mula nang isilang sa mundong ibabaw

Ang bawat nilalang ay may wikang taglay

Magmula sa Luzon, Visayas, Mindanao

May taal na wikang sa atin ay buhay

II

Sa bandang Hilaga nar’yan ang Iloko

Sa dakong Kanluran ay wikang Ilonggo

Bumaba sa Timog naroon ang Tagalog

Sa Silangan nama’y Waray ang hinubog

III

Iba’t ibang lingo, iba’t ibang tao

Kaysarap pakinggan ‘pag maraming kwento

May pagkakaisa, may iisang ritmo

Patunay ng isang lahing Pilipino.

IV

Nang minsang subukan, sa mga paaralan

Sumuloy ang diwa’t dugong makabayan

Binagtas pabalik, tunay na tahanan

Wikang katutubo’y lalong pinagyaman

V

Natutong bumasa sa likas na wika

Nakalikha ng awit, sanaysay at tula

Mga titik at letra’y tunay na nahasa

Maging sa pagbilang, natuto nang kusa!

VI

Marahang marahang muling nasasambit

Pag-unlad ng bata’y muling nakakamit

Sa mga kaguruang, Inang wika’y gamit

Inyong dedikasyon ay walang kapalit.

VII

Katutubong wika’y, sumabay sa alon

Tinindig ang diwang binigkis ng puhon

Gamiting mahusay, patuloy yumabong

Dalangi’y pag-usad, dasig at padayon!