Return to site

WIKANG FILIPINO: SALAMIN NG MAYAMANG KULTURA

ni: ARLYN D. EULLARAN

I. Ang walang kamatayang kasabihan ni Gat. Jose Rizal

Dala-dala at nagiging gabay sa tuwina sa asal

"Na ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa

sa isang malansa at nangangamoy na mabahong isda"

 

II. Kanyang ikinintal sa mga isipan ng mga Filipino

Gamitin, mahalin at linangin ang Wikang Filipino

Simbolo ng kalayaan ng bawat mamamayan dito

Sa bagong henerasyon ay maisulong ang pagbabago

 

III. Salamin ng mayamang kultura ang Wikang Filipino

Ginagamit mula sa simpleng pagsagot ng po at opo

Mapupuna ang pagmamahal, disiplina at respeto

Ito ay pagkakilanlan kahit saang panig sa mundo

 

IV. Kahit iba- iba pa man ang dayalektong ginagamit

Binubugkos ng iisang wika ang sinumang sasambit

Wikang Filipino ang sandatang panlaban mula langit

Sila’y magkakaintindihan, kapayapaan makamit

 

V. Isang sanggol ang ipinanganak sa bagong henerasyon

Napabilang sa pamilya na bubuo sa populasyon

Siya ay natutong magsalita’t makipag-interaksyon

Wikang Filipino ang kasangkapang bitbit sa maghapon

 

VI. Inalagaan, tinuruan at pinalaking magalang

Mapupuna mo na sa kanyang mga salita at galawang

Ang pakikitungo niya sa kapwa laging may katuwang

Wikang Filipino taglay na lakas sandata’t tumapang

 

VII. Ang paslit na ito ay nagkaroon ng mga kakilala

Mabubuting gawi’t pananalita naipasa niya

Wikang Filipino kasangkapan niya ay dala dala

Naipamalas, nailipat sa barkada't kakilala

 

VIII. Kung iisipin niyo mga tagabasa at kaibigan

Salitang namumutawi’t sa bibig na may kahulugan

Ay ang siyang huhubog sa isipan ng isang nilalang

Para impluwensiyahang gumawa nang may kabuluhan