Return to site

WIKANG FILIPINO, SALAMIN NG MAYAMANG KULTURA

ni: GLENDA TANYAG ALIGADO

· Volume V Issue I

Bansang Pilipinas ay sadyang katangi-tangi

Tahanan ng magiting at marangal na lahi

Ganda at yamang taglay hindi maikukubli

Sa anumang larangan ay hindi pagagapi.

 

Makalibong daang taon na ang nakalipas

Wikang Filipino ay nananatiling hiyas

Ang banyuhay na angkin ay kagila-gilalas

La-Moderno man ang panahon ay walang kupas.

 

Wikang Filipino ay hitik na hitik sa bunga

Mula sa kabihasnan, tradisyon kitang-kita

Mapa-relihiyon, sining likas nakamarka

Wikang Filipino ay salamin ng kultura.

 

Paglakbayin ang ating diwa, isipan ay ikislap

Humabi tayo ng magandang maidaragdag

At baul ng ating kultura mag-gintong rosas

Padayon! Wikang Filipino, Salamin ng Mayamang Kultura!