Return to site

WIKANG FILIPINO: HIBLA AT PUNLA NG KASAYSAYAN

ni: CHENIÑA L. DUROTAN

Hanggang ngayon ako'y nananalayta'y

Sa ugat at dugo ng aking mga ninuno

Namuhay man sa modernong panahon

Nanatiling buhay ang aking nilalayon

Nakagapos man sa kasalukuyang lipunan

Wika'y naging sandata upang makilala

Sa pakikipagbuno, at pakikitungo

Wikang Filipino ibigin natin ng totoo

Ito’y repleksyon ng mayamang kultura

Saan mang sakop literatura’y kinikilala

Pag -alala ng ating pagkakilanlan

Kaya't bawat saltik ng ating dila’y

Laging may pagninila'y

Kaya heto ako ngayo'y patuloy na nanaghoy

Sa lilim ng punungkahoy

Tradisyun ay panatilihin

Kapwa Pilipino'y gisingin

Lupang sinilangan ating ibigin

Taas noo ko'y pinagmamalaki

Kung saan ako lumaki

Wika'y makapangyarihan

Sa aking bansang pinanggalingan

Ito’y maituturing ating panitikan isa na dito ang dayalekto

Sinuri at pinag aralan ng mga pilosopo at teoritiko

Nagmula pa sa Griyego

Ang mga bantog na si Aristotle at Plato.

Inunawa ang mga simbolo at konteksto

Patunay at patnubay bilang gabay para matuto

Kaya ngayon nagkaroon tayo ng kamalayan

Natuto at naging eksperto

Komisyon ng Wikang Filipino

Itinuturing lupong at tagapagmahala wikang nabuo

Patunay lamang na umuusbong at yumayabong

Ang wikang pamana ng mga katutobong nagpayabong

Halina't damhin ang simo'y ng mayamang kultura

Ito'y pag aari natin na kailanma’y hindi na mabubura