O Wikang Filipino, ikaw ay isang dakilang simbolo ng pagkakakilanlan.
Isang salamin na nagbibigay linaw sa mayamang kultura ng nakaraan.
Bawat habi mo ay may malalim na kahulugan,
Na nakadikit sa aming pagkatao at pinagmulan!
Oh kaysarap mong bigkasin, aming sariling wika.
Kakaiba ang lamyos at bigkas ang iyong hatid sa madla.
Aralin man ikaw ng mga banyaga,
Lalabas at lalabas pa rin at masasalamin kung saan nagmula!
Sa pagdaan ng panahon, kabihasnan at globalisasyon,
Karangyaan, kakanyahan at tatak mo ay sinubok.
Ngunit di napagtagumpayan, angking ganda mo ay kuminang.
Sa dapithapon ikaw ay nagsilbing ilaw at gabay!
O Wikang Filipino, di kita ikakahiya kaylanman!
Kulturang itinayo ng mga Pilipino kasama ka ay di napaparam.
Sa anumang siglo o panahaon ikaw ay di napapagal,
Isang sandata na kasingkinang ng ginto sa puso ng bawat mamamayan!
Isa kang maliwanag na ilaw.
Mapadilim ay tulad ng buwan, mapaliwanag ay isang araw.
Sa gitna ng pighati ikaw ay nag-aalis ng panglaw,
Sa kasiyahan at tagumpay naman, ikaw ay naghuhumiyaw!
Kawangis ng susi, ikaw ang may hawak ng hiyas ng nakaraan.
Ng kulturang nauna pa kay Gat Jose Rizal,
O lahi nina Andres Bonifacio at pamilya Gatmaytan,
O di kaya naman ay ng mas nauna pa sa angkan ni Rajah Sulayman!
Kumbakit baga ikaw ay kadikit ng aming kabihasnan at pag-unlad
Namumutawi sa pagkabayani, pagkamatatag at pagkamapagmahal sa bansa.
Subukin man ng tadhana, ika’y animoy dugo na nananalaytay sa katawan...
...isang tapiserya ng bawat hibla ng aming buhay, pag-iisip at mga sigaw
...isang sining na may mayamang repleksiyon ng titik at sayaw
...isang aparatu na nagdurugtong sa buhay at kultura
ng bawat Pilipino
ng
walang mayaw!