Return to site

WIKA NATIN, LAKAS NATIN, ANGKININ NATIN

ni: DR. MAY D. BORJA

I

Marahil sa mga oras na ito ika’y may agam-agam

Paano gagamitin, paano iingatan?

Ngunit sa totoo’y hindi na dapat pag-isipan

dahil ito ay atin, kaya’t nararapat parangalan!

II

Ano man ang iyong antas, at pinag-aralan

Saang dako man ang iyong pinagmulan

Hangga’t dugo mo’y Pilipino’t tunay

Wikang Filipino’y, itanghal at isabuhay!

III

Gawin ang lahat ng paraan at makakayanan

Gamitin sa araw-araw ng walang alinlangan

Sa salita, sa gawa at sa pakikipagtalastasan

Sapagkat wika ang ugat ng ating pinagmulan

IV

Sa bawat salita’y may pusong bitbit,

May dangal, kultura at aral na sambit

Huwag hayaang mamuhay ang pait

Ipagmalaki, at mahalin ng buong init!