·
Sa bayang sinilangan
Pag-ibig sa tinubuan
Lupaing kinalakihan
Nakaukit ang pagkakakilanlan.
Sa anyo ko at tindig
Iyong mababatid
PagkaPilipino’y hatid
nang sambitlain ang wikang iniibig.
Karanasan at kasaysayan
Ginugunita tungo sa kaunlaran ng bayan
Naging daan ang mahal kong wika
Ibinida sa madlang makabansa.
Wika ng pakikipag-ugnayan
Susi sa pagkitil sa banyagang kaisipan
Wikang Pambansa’y kinasangkapan
Wangis ng pagpapalaya at pagkakakilanlan.
Anumang wika mayroon ako, ikaw, tayo
Wikang Filipino man o wikang katutubo
Hinubog ng mga tunog at simbolo ang pagkatao
Sumasalamin sa mayamang kultura ng pagkaPilipino.