Sa bawat puso ng mamamayang nagmamahal,
May boses na umaalingawngaw, tapat, at marangal.
Paghakapatiran ang laging mananaig at iral
Sa Pilipinong may tunay na dangal
Ating kultura ay laging pahalagahan.
Mga yaman, tungkulin, at karapatan ay pakaingatan
Mayaman man o dukha, matanda man o bata, walang maiiwan,
Lahat ay boboses para sa kaayusan ng bayan
Kung tatahimik lamang, lalong lalala ang gulo,
Mga mali’y di matatapos at magtutuloy-tuloy ito.
Hustisya at pag-asa ay tuluyang maglalaho,
Kung tayo’y hindi magpapakatotoo at magpapakatao
Kung tayong lahat ay magkakaisa,
Payapang buhay ang ating matatamasa.
Mga sarili ay ipaglalaban na,
At hindi na muling hahayaan na maging alpin pa.
Isang tinig, isang lakas, ating pagsamahin,
Magagandang hangarin, sabay sabay nating kamtin
Walang susuko sa bawat suliranin na ating haharapin,
Palaging tandaan ang yong salita ay may halaga rin.
Tinig sa katahimikan ay isisigaw
Hindi lang sa salita, sasamahan rin ng kilos at galaw.
Ang bawat boses ay liwanag na magsisilbing tanglaw,
Sa madilim na landas, tiyak na hindi tayo malligaw.