Return to site

TINIG NG PANANAGUTAN

ni: ALVIN B. DETERA

Sa bawat himig at tinig na may dangal

May siguradong bukas ang magtatagal

Bawat salitang tapat na ating binibigkas

Bayan natin ang higit na mabibigyang-lakas

Wika'y tulay, konektado sa isip

Panday ng kinabukasan ang masisilip

Wika ng pag-asa ang pinipili

Hustisya sa isa't isa ang mananatili

Katarungan lamang ang dapat na umiral

Siguradong kapayapaan ay magtatagal

Isa tayo na kabataan ang dapat magdasal

Na sa ating inang bayan iparamdam ang pagmamahal

Tinig at boses ng bayan ating pakinggan

Hustisyang nararapat huwag pigilan

Mga palamuti hindi kinakailangan

Kung ang tanging dulot ay kapahamakan

Lagpas na tayo sa salot ng lipunan

Hahayaan pa ba na mawala ang kalayaan

Ngunit sino nga ba ang may tunay na pananagutan

Sa dating masigla, ngayon puno ng takot na inang bayan

Bago maubos ang tinta ng aking pluma

Suriin natin ang tunay na sistema

Ramdam pa ba ang pagtataguyod ng hustisya?

O baka naman wala na talagang pagkakaisa!

Kinakailangan ng boses ng bayan

Para mailabas ang tunay na katotohanan

Huwag isadlak ang bayang may kalayaan

Hustisya at pagkakaisa ang kinakailangan.