Sa bawat dayalektong ating binibigkas
Pagtataguyod sa wika, ang ating wagas na pangarap
Ngunit iisa ang ating hangarin at hangad
Ang itaguyod ang hustisya at wika ng pagkakaisa.
Boses ng bayan ay sandata ng sambayanan
Pag-asang sumisibol sa pagtataguyod ng katarungan
Pantay na pagtingin, dapat nating bigyang pansin
Walang malilimutan at maiiwan man din.
Ang ating wika’y, sagisag ng pagkakaisa
Nagtataguyod nang hustisya at tunay na pag-asa
Sa pagkakabuklod-buklod ng sambayanang makamasa
Tagumpay na pag-asa at liwanag, ating binibigyang halaga.
Panahon na para itong ating wika’y paigtingin
Sapagkat napatunayang mabisa kung lagi itong gagamitin
Boses ng masa, wika ng pag-asa ang sigaw
Pagka’t hatid nito’y katarungan at kaunlaran ng bayan.