Return to site

TAGOS! 

Dr. CHRISTIAN C. VEGA, LPT 

· Volume IV Issue I

I. Masakit sa una, kirot nadarama

Pinipisil-pisil haplos sumasaliw

Ramdam ng buto, puso’t isip ang tungo

Winiwika Ninyo Panambitang ito!

 

II. Nakita mo na ba ang pagkakaisa?

Sa panahong silaw sa pag-asa

Gumising bumangon sumabay na, tara!

Ibangon natin Pilipinas na atin!

 

III. Manhid sa sakuna, sa bagyong umarangkada

Rumaragasang lupa, tinatabunan ang dampa

Umaapaw na baha, sa bubong tumitingala

Tipa ng pagaspas ng kahoy sa tabi’y nanaghoy!

 

IV. Sasabayan pa ang sakuna ng krisis bunsod ng pandemya

Sa ilalim ng lagim, sa talas ng tarak ng karayon naninimdim

Kahit nangangamba, sa bakuna’y idinudulot ang sigla

Sa paniniwalang may isang bagong umaga!

 

V. Pilipino’y hindi tutumba, sakalin man ng hamon ng tadhana

Pinapanatiling pundasyon ay Pamilya

Na sentro ang Maylikha bilang Pag-asa

Mula birtud at salig ng pananampalataya.

 

VI. Laban Pilipino! Tanging yama’y tunay na pagkatao

Katatagan gawing instrumento, atin ito!

Maging pundasyon ay Nasyonalismo

Upang patunayang kagat ang Patritismo!

 

VII. Ilang libong taon man ang darating pa

Magiging Matatag at walang kupas

Pandemya, bagyo at hamong Penominal

Mananatiling may dangal.

 

VIII. Lasapin na natin, dapat ng mahalin

Angkinin ng kamit, kalayaang gamit

Tumatagos diwang ipinagsisigawang

Tayo ito, may tatag at mapagbago!