Return to site

SI TOTO AT ANG HUGIS PARISUKAT

ni: REGGIE S. APINO

Bago pa man sumikat si haring araw dali-dali akong pumupunta sa pamilihang bayan upang daanan kay Aling Tinay ang aking ipinatabi na hugis parisukat.

Magandang umaga po Aling Tinay. Oh! Toto sobrang aga mo, nais ko pong kunin ang aking ipinatabing bagay na hugis parisukat.

Narito na ang iyong ipinatabi Toto. Maraming salamat po Aling Tinay.

Pagkatpos makuha ni Toto ang kanyang ipinatabi siya naman ay tutungo sa paaralan pasan ang mabigat na parisukat.

Bago pa pumasok sa paaralan si Toto nakaabang na si Gng. Sarmiento sa harap ng pintuan kitang-kita ang galit nito kay Toto.

Toto! Lagi ka nalang nahuhuli sa klase ano ba ang pinagkakaabalahan mo?

Ah…. Ahh. Gng. Sarmiento paumanhin po bagaman ako man ay nahuhuli sa klase hindi ko naman po pinapabayaan ang aking pag-aaral.

Dapat lang na hindi mo pabayaan o ipag walang bahala ang iyong pag-aral. Paalala ni Gng. Sarmiento.

Nagtataka ang guro kung bakit madalas nahuhuli sa klase si Toto.

Isang umaga pinuntuhan ni Gng. Sarmiento si Toto sa kanilang bahay subalit hindi niya ito nadatnan. Aling Marissa, nasaan po si Toto? Araw-araw po siyang umaalis ng maaga upang kunin ang kanyang ipinatabi kay Aling Tinay na parisukat. Pasan pasan po niya ito para itinda bago pumasok sa eskwela.

Biglang napaisip si Gng. Sarmiento kung ano nga ba ang hugis parisukat na laging pasan ni Toto sa kanyang likuran.

Muli na namang nahuli sa klase si Toto. Bakit ngayon ka lang? May dinaanan lang po ako Kay Aling Tinay.

Kung ganon nais kong malaman ang laman ng iyong bag.

Huwag po! huwag po! Sigaw at tila nahihiya na mabuko kung ano ang nasa loob ng bag niya.

At doon na nga natuklasan ni Gng. Sarmiento ang laman ng bag. Kay pala maumbok at mabigat dahil naglalaman ito ng kanyang paninda.

Opo! Ito po ang dahilan kung bakit ako nahuhuli sa klase. Bitbit ko ang limang-pung pirasong kakanin na hugis parisukat. Araw-araw ko po itong ginagawa upang may pambili ng gamot ng aking ina at maipagpatuloy ang aking pag-aaral.

Halos mangiyak-ngiyak si Gng. Sarmiento sa kanyang nalaman. Walang akong dapat ikagalit sa iyo Toto. Dapat ay inalam ko muna ang dahilan kung bakit lagi kang nahuhuli sa klase. Salamat po.

Ilang taong ang nagdaan…

Inay! Inay! Nais ko pong kumuha ng kursong edukasyon upang maibahagi ko ang aking natutunan at karanasan sa mga bata. Maganda ang iyong napiling kurso Toto.

At sa pagsisikap nito siya ay nakapagtapos sa kolehiyo at agad naman itong kumuha ng pagsusulit sa Baguio City.

Lumipas ang apat na buwan si Toto ay pumasa sa naturang pagsusulit sa Licensure Examination for Teachers (LET).

Mapalad si Toto sapagkat siya ay ganap ng guro sa isang pampublikong paaralan.

Bagamat hindi ganon kadali ang kanyang pinagdaanan sa buhay hindi siya napagod at tuimigil na abutin ang kanyang pangarap.

Labis ang tuwa ng kanyang ina sa kanyang narating.

Huwag tayong matakot na pasanin ang ano mang bigat na nararanasan.

Ang taong may pagtitiis at pagtitiyaga tiyak na may ginhawa.

Sa tulong ng hugis parisukat na abot ang minimithing pangarap.