Sa isang malayong lugar sa isla ng Sibuyan, may isang naninirahang mga katutubo na ang kinabubuhay ay ang pagsasaka... Sila ay naniniwala at sumasamba sa isang diwata na naninirahan sa bundok ng guiting-guiting, na kung tawagin ng mga residente doon ay si Guitina... Siya ay ang diwata ng kagubatan at ng mga halaman, siya ay may mabuting loob, tinutulungan nya ang mga katutubo na mamuhay ng payapa sa bukid. May isang katutubo roon na dedikado sa paniniwala at pagsasamba sa diwata, siya ay si Zari... Araw-araw syang pumupunta sa bukid upang alayan ng mga pagkain at bulaklak ang diwata.
Isang araw habang naglalakbay si Zari ay may nakita syang isang ibon na nakapulupot sa lambat... Hindi sya nagdalawang isip upang tulungan ang ibon, maya't maya ay bigla nalang itong nag ibang anyo ng isang magandang dalaga na kumikinang sa liwanag. Bigla nyang na alala ang sabi ng mga matatanda tungkol sa diwata na nag iibang anyo upang makita kung gaano kamahal ng tao ang mga hayop at halaman sa kagubatan.
Si Zari ay agad na lumuhod at binigyang papuri ang Diwatang Guitina, agad nyang kinuha ang dala nyang basket at inalay ito sa diwata. Sabi ng diwata, " Busilak ang iyong puso, kaya't gagantimpalaan kita... Umuwi ka sa inyo at matatangap mo ang gantimpalang iyon". Nagpasalamat ang binata at agad na umuwi, laking gulat nya ng makita ang dalawang sakong bigas at mga prutas at gulay.
Makalipas ang ilang linggo ay may nabalitaan si Zari na mayroong pagmimina na magaganap sa isla, agad nyang hinikayat ang kanyang mga kababayan o kapwa katutubo na pigilan ang gagawing pagmimina sa isla upang mapangalagaan ang mga halaman, hayop at higit sa lahat ang tahanan ng diwatang naninirahan roon.
Nang isasagawa na ang pagmimina ay hirangan ito ng mga katutubo upang pigilan ang pagkawasak ng isla... Pumunta naman si Zari sa kagubatan ng Guiting-guiting upang balaan ang diwatang si Guitina tungkol sa nagbabayang panganib... At agad syang bumaba upang tulungan ang kanyang mga kapwa katutubo upang mahinto ang panganib na nagbabadya. Sa kasamaang palad habang hinaharangan nila ang lugar kung saan ay gaganapin ang pagmimina ay na baril si Zari ng isang tauhan ng minahan.
Natigil ang pagmimina ngunit namatay si Zari... Dinala sya sa kagubatan upang ilibing ngunit biglang dumating ang diwata na si Guitina at binuhay nya ang namamahingang bangkay ni Zari bilang gantimpala sa kabayanihan nyang ginawa... Minulat ni Zari ang kanyang mga mata at nakita ang diwata.... Siya ay nagpasalamat sa pangalawang buhay na kanyang ipinagkaloob sa kanya. Bumalik sya sa kanilang baryo ng may basbas ng diwata... Doon ay ikinuwento nya ang kanyang karanasan at ito ay ipinasa sa mga susunod na henerasyon upang patuloy na mapangalagaan ang kalilakasan at ang tahanan ng diwata na taga pangalaga ng isla.