ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita ang kasanayan sa pagbasa sa wikang Filipino ng mga mag-aaral sa baitang 7 at 8. Napatunayan na ang malaki ang naging dulot ng pandemya sa larangan ng pagbasa sa mga mag-aaral lalo’t higit sa baitang pito ng sekondaryasapagkat hindi nahasa ang kanilang kakayahan sa pagbasa na nagdulot ng kahirapan sa pagkilala ng salita at pang-unawa sa binasa. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita na may makabuluhang kaugnayan ang pagkilala ng salita upang lubos na maunawaan ang binasa ng mga mag-aaral sa baitang 7 at walo 8 ng Bilaran National High school limangpu’ 50 mag-aaral ang ginamit na tagatugon sa pag-aaral na ginamitan ng deskriptibo-kwalitatibo o paraang paglalarawang matematikal, kompyutasyonal at estadistikal. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng talatanungan (questionnaire) at ginamitan ng pagsusuring estadistikong Pearson r, independent t-test at F test. Natuklasan sa pag-aaral na kapag nababasa ng malinaw at maayos ang isang teksto ay mauunawaan at mabibigyang kahulugan ang nilalaman. Ang resulta ng pag-aaral ay nagsisilbing gabay at paalala sa mga mag-aaral na ang kasanayan pagbasa ay isa sa pinakamahalaga upang mahasa ang kakayahang umunlad at makamit ang tagumpay sa darating na hinaharap.
Mga Susing Salita: Kakayahan, Baitang 7 at 8, Filipino