Return to site

IMPLUWENSYA NG PANONOOD NG TELEBISYON SA

PAG-AARAL NG MGA MAG-AARAL NG BAITANG 10
SA DR. FRANCISCO L. CALINGASAN MEMORIAL

COLLEGE INC. NASUGBU BATANGAS

GELMAR OBEDENCIO

Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation Inc.

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita ang impluwensya ng panonood ng telelebisyon sa pag-aaral ng mga mag-aaral mula sa baitang 10 Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation, Inc Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita na kung paano nakakaapekto ang panonood ng mga palabas sa mga mag-aaral may makabuluhang kaugnayan sa pag-aaral, dalawampu’t pito (27) na mag-aaral ang ginamit na tagatugon sa pag-aaral na ginamitan ng deskriptibo-kwalitatibo o paraang paglalarawang matematikal, kompyutasyonal at estadistikal. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng talatanungan (questionnaire) at ginamitan ng pagsusuring estadistikong Pearson r, independent t-test at F test. Natuklasan sa pag-aaral na malaki ang tulong na naibibigay ng panonood ng telebisyon hindi bilang libangan sa araw araw na pamumuhay ng tao, dagdag pa dito, nakakatulong ang panonood ng telebisyon upang mapalawak ang bokobularyo at maging handa ang mga mag-aaral sa mga pangyayaring nagaganap sa lipunan. Ang resulta ng pag-aaral ay nagsisilbing gabay at paalala sa mga mag-aaral na ang pagsusuri sa mga piling palabas tulad ng panonood ng mga impormatibong mga palabas ay may malaking naitutulong sa mga mag-aaral upang mahasa ang kanilang mga kamalayan sa sarili na magagamit nila sa pang araw araw na pamumuhay.

Mga Susing Salita: Impluwensya ng Telebisyon, Baitang 10