Return to site

SA ILALIM NG PUNO NG NARRA

ni: EZEKIEL YEN R. GARCIA

Sa isang isla sa probinsya ng romblon, may naninirahang mga mangyan, sila ay nakatira sa bundok ng Guiting-Guiting. Kinukuha nila ang kanilang pagkain sa pamamagitan ng pagsasaka o pagtatanim tulad ng kamote, gabi, at iba pa. May isang bata doon na nagngangalang Simar, Siya ang mapagmahal at masipag na anak nina Selia at Timar.

Isang araw, habang naghahanda sila para sa pista ng kanilang tribo, pinapunta ni Selia ang kanyang anak na si Simar upang humingi siya ng basbas sa kanilang pinuno dahil sa gaganapin na pista ay gaganapin rin ang kanilang pagbabanyuhay upang sila ay maging ganap na kasapi ng tribo at upang makapili na ng kanilang mapapangasawa. Sa pagbabalik ni Simar sa kanilang "bayay" ay bitbit niya ang basbas ng kanilang pinuno. Naghanda sila ng inihaw na baboy-damo, naghanda sila ng iba't-ibang pagkain tulad ng ginataang-damil at mga gulay na kanilang inani mula sa kanilang lupang sinasakahan, at iba pa.

Pagsapit ng dilim ay lahat ng tao ay nagtipon-tipon sa malawak at patag na bahagi ng kanilang lugar at doon sinimulan ang pista, may mga taong kumakanta at tumutugtog sa paligid ng apoy. May mga kumakain ng kanilang inihandang pagkain at hindi mawawala ang pagkukwento ng mga alamat. Habang sila ay nagsasaya, ay may napansin si Simar na babaeng nakaupo sa ilalim ng puno ng narra, ito'y tahimik at hindi nakikisalamuha sa iba pa nilang mga katribo, nilapitan nya at sinabing "kamusta? ako nga pala si Simar”, “ako si Maria", nahihiyang sambit ng babae. Tinanong ito ni Simar kung bakit hindi siya nakiki-isa at nakikisaya sa pista at kung bakit nandito siya sa ilalim ng puno, sinagot naman ito ni Maria ng "Wala lang, gusto ko lang magpahangin at masilayang ang magagandang bituin sa kalangitan. Sinamahan ito ni Simar at di inalintana ang mga ingay sa paligid.

Bago maghating gabi ay niyaya na ni Simar si Maria na bumalik na dahil gaganapin na ang pagbabanyuhay na kung saan kabilang si Simar. Pagkatapos ng pagbabanyuhay ay pumalakpak ang nasa tribo at agad na pinuntahan ni Maria si Simar, hinagkan niya ito at sinabing "binabati kita sa iyong pagbabanyuhay". Nang matapos ang pagdiriwang ay bumalik na sa kani-kanilang bahay ang mga tao.

Kinabukasan ay pinakilala ng mga magulang ni Maria ang kanyang mapapangasawa at sa kabutihang palad, si Simar ang lalaki na kanyang iniibig ang napili ng kanyang mga magulang upang kanyang maging asawa. At pagkatapos pagpapakilala sa mapapangasawa ay naghanda sila ng konting salu-salo para sa kanilang panauhin, at nag plano na sila sa gaganapin na kasal.

Sa sumunod mga sumunod na mga araw ay naging mas malapit si Simar at Maria sa isa't isa, bago ang kasal nila ay sinunod nila ang kanilang mga pamahiin sa kanilang tribo. Dumaan ang panahon at kinabukasan ay ang kasal nilang dalawa, hindi sila makapaniwala dahil parang kahapon lang ay nasa ilalim pa sila ng puno ng narra at nakatingin sa mga bituin sa kalangitan. Hindi sila magkikita ng isang araw bago ang kanilang kasal dahil isa ito sa kanilang sinusunod na pamahiin. Dumating ang pinakahihintay nilang araw, ang araw ng kanilang kasal. Sila ay ikinasal ng kanilang Pinuno, pagkatapos ng kasal ay pumunta na sila sa kanilang sariling bahay kung saan namuhay sila ng masaya at masagana.