Return to site

PISTA

ni: CYREL KIM R. MORAL

Malapit na ang kapistahan sa bayan ni Juan at dahil malapit na ang kapistahan maraming taong bayan ang nag hahanda para dito, at bukod sa paghahanda nananabik na rin sila at para bang hindi na makapag hintay. Gumawa sila ng mga programa para sa darating na pista ngunit sa kalagitnaan ng kanilang pagpupulong para sa gagawing programa ay may biglang nag bigay ng mensahe galing iyon sa punong alkalde na may nakasulat na hindi matutuloy ang pista dahil walang sapat na pera ang kanilang bayan, nalungkot si Juan at ang taong bayan dahil sa mensaheng kanilang nalaman, nawalan ng pag-asa ang taong bayan na matutuloy pa ang pista ngunit hindi si Juan, nag isip si Juan ng maraming paraan ngunit hindi sapat ang mga paraan ni Juan para matuloy ang pista.

Hanggang isang araw naisipan ni Juan na mag ipon upang may maiambag na pera at para matuloy ang pista. Habang naghuhulog ng pera si Juan sa kanyang alkansya ay may bigla siyang ideyang naisip "paano kaya kung mag ambag ang lahat ng tao dito sa bayan?" napagtanto ni Juan na epektibo ang kanyang ideya kaya dali dali siyang pumunta sa kanyang mga kakilala at ipinaalam ang kanyang plano, sumang ayon naman ito sa kanya kaya sinimulan na nila ang pagkolekta sa bawat bahay. Hindi naging madali ang kanilang pagkolekta dahil malaki ang kanilang bayan kaya naisip ni Juan na mag hiwahiwalay sila upang mapabilis ang kanilang pagkolekta, inabot na sila ng gabi ngunit wala pa sa kalahati ng bayan ang napuntahan nila kaya umuwi nalang muna sila at nagpahinga. Kinabukasan pinag patuloy nila ang kanilang pagkolekta marami mang pagsubok ang hinarap nila subalit hindi sila sumuko at ipinagpatuloy nila ito hanggang kalahati na ng bayan ang napuntahan nila ngunit kulang pa rin ang kanilang pera at bukas na ang pista sa kanilang bayan, pinanghinaan na ng loob si Juan at ang kanyang mga kasamahan at nagpaplano na hindi na itutuloy ang pagkolekta ngunit sa kalagitnaan ng kanilang pag paplano may mga taong papalapit sa kanila at ito ay ang mga taong bayan natuwa si Juan at ang kanyang mga kasamahan dahil hindi na sila magpapakahirap sa pagkolekta. Lumubog na ang araw at naging sapat na ang kanilang pera para matuloy ang pista, nag paalam na sina Juan sa taong bayan at nagpasalamat, nag tungo na rin sila sa punong alkalde upang ibigay ang pera. Pagkatapos nilang maibigay ang pera ay agad narin silang nag paalam at umuwi at bago sila makaalis ay nagpapasalamat rin ang alkalde sa binigay nilang tulong.

Ito na ang pinakahihintay ng taong bayan gaganapin na ang pista ngayong araw, nag tulong tulong ang lahat sa pagluluto para sa salo salo, nag tulong tulong rin sila sa pag aayos ng mga banderitas at mga palamuti na gagamitin sa palabas na gaganapin sa gabi, maraming paligsahan ang magaganap kaya naghahanda na rin ang mga sasali rito. Sumapit na ang gabi at handa narin ang lahat maayos na ang mga kagamitan at mga pagkain hinihintay na lang na magsimula, sabik na sabik ang lahat kaya nag tipon tipon na sila sa lugar kung saan gaganapin ang pista, nang sumapit na ang oras ng pagsisimula ay may malakas na hiyawan galing sa taong bayan simula na ng pista sinimulan na nila ang salo salo at pagkatapos ay ang mga kumpitisyon at mga paligsahan gaya ng sayawan, kantahan, pagandahan, at iba pa sinabayan rin ito ng nakakaantig na mensahe ng alkalde at sumunod ang pagbibigay ng karangalan kay Juan dahil siya ang dahilan kung bakit natuloy ang pista, lubos ang kasayahan ng lahat dahil natuloy ang pinakahihintay nilang pista at natuloy ito dahil sa pagtutulungan at pagkakaisa.