Return to site

PILIPINAS SA ANO MANG PAGSUBOK 

MONALISA PEDRASA ADAN 

· Volume IV Issue I

Dami nang pagsubok ang naranasan

Ang lahat na ito ay nalampasan

Nitong ating Inang Bayan

Sa tulong ng Poong Maykapal

 

Hindi lang bagyo't may lindol pa

Biglaang baha na rumaragasa

Maraming tao ang nawala

Bumuhos ang maraming luha

 

Dumating ang kinatatakutan

Pandemyang galing kung saan

Pagsugpo nito'y di alam

Subalit Pilipino ay maparaan

 

Mayroong mga namaalam

Mayroon ding nalampasan

Sakit ng damdamin at isipan

Nang mga taong nawala sa katinuan

 

Bagama't tayo ay dinaluhong

Buo pa rin ang loob na sinuong

Ang pakikibaka't pagkakataong

Mahanap ang lunas ng sakit na dumaong

 

Hinding hindi patutumba kanino man

Pilipinong handa kahit pa saan

Digmaan man ng isip at kalusugan

Nananatiling nakatayo't lumalaban

 

Pilipinas kang di patatalo

Sa ano mang pagsubok ng mundo

Matatag ang pagkatao

Nitong Pilipino mong taas noo

 

Kaya Pilipinas di ka patutumba

Sa ano mang bagyo at pandemya

Pagiging matapang ay nakaukit na

Sa puso't isip at damdamin nila.