Return to site

PAGSUSURI PANG-EDUKASYON NA APLIKASYONG PANG-TEKNOLOHIYA SA PAGTUTURO SA FILIPINO SA BAITANG 10 NG BILARAN NATIONAL HIGH SCHOOL

FLORENDA MAGBUO HERNANDEZ

Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation, Inc.

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay layong maipakita ang Pang - Edukasyonι na Aplikasyong Pang Teknolohiya sa Pagtuturo sa Filipino at epekto nito mga mag-aaral ng Baitang 10 ng Bilaran National Highschool. Napatunayan na malaki ang naging dulot ng teknolohiya sa larangan ng paggamit ng mga Pang Edukasyon na Aplikasyong Pang Teknolohiya sa Pagtuturo ng Filipino sa mga mag-aaral lalo na at higit sa Baitang 10 ng Bilaran National High School sapagkat hindi nahasa ang kanilang kakayahan sa paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo ng Filipino. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita na may makabuluhang kaugnayan ang paggamit ng Pang Edukasyon na Aplikasyong Pang Teknolohiya sa Pagtututro sa Filipino upang lubos na lumago ang kaalaman ng mag-aaral ng Baitang 10 ng Bilaran National Highschool. Tatlum'put lima (35) na mag-aaral na respondenrte ang ginamit na tagatugon sa pag-aaral na ginamitan ng deskriptibo- kwalitatibo o paraang paglalarawang matematikal, kompyutasyonal at estadistikal. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng talatanungan (survey questionnaire) at ginamitan ng pagsusuring T-test. Natuklasan sa pag-aaral na sa paggamit at tamang istratehiya ng mga mag-aaral sa Paggamit ng Pang Edukasyon na Pang Aplikasyong Pang Teknolohiya sa Pagtuturo sa Filipino. Ang resulta ng pag-aaral ay nagsilbing gabay at paalala sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng paggamit sa pag-aaral ng Pang Edukasyon na Pang Aplikasyong Pang Teknolohiya sa Pagtuturo sa Filipino.

Mga Susing Salita: pang-edukasyon, aplikasyong pang-teknolohiya, pagtuturo sa Filipino