Return to site

KAPIT-KAMAY PARA SA BAYANG MATAMGUMPAY 

JULIE ANN QUINTANA 

· Volume IV Issue I

Libo-libong tao sa mundo

Lahat ng bansa'y nakaranas ng delubyo

Bayan kong sinilangan

Pandemya'y naranasan.

 

Taon-taon nagbibigay babala

Malalakas na bagyo, sa ating bansa'y tumama.

Mga lugar nakaranas ng baha

Lagi lagi itong problema sa bansa.

 

Mga pilino'y laging nagkakaisa

Bagyo o Pandemya ma'y maranasan nila.

Kapit-bisig na babangon

Nang sa mga delubyo'y makakaahon.

 

Malunod man sa baha

Sa Pandemya ma'y trabaho'y mawala.

Sabay-sabay kikilos.

Upang bansa'y maiayos.