Return to site

ISANG BANDILA, ISANG WIKA

ni: ALMAE R. SOLAIMAN

· Volume V Issue I

Ako ay may isang wika

Wikang mayaman sa kultura

Manuel L. Quezon, tunay na dakila

Wikang Filipino, lubos na ipinaglaban

 

Isang wika makulay tulad ng bandila

Kulay bughaw, kapayapaan ang dala sa bayan

Katangiang Pilipino na umaapaw ang kabutihan

Wikang Filipino, simbolo ng kadakilaan

 

Wikang Filipino, aking kinagisnang wika

Katulad ng kulay pula sa bandila

Simbolo ng kagitingan

Tunay na aking hinahangaan

 

Kawangis ng puti, dalisay at payapa

Wika at Kulturang Pilipino

Mayabong at namumukod-tangi

Habang buhay na ipagmamalaki

 

Luzon, Visayas at Mindanao

Walong sinag ng araw

Kulay dilaw umaapaw

Bayanihan hanggang wakas

 

Isang Bandila, Isang Wika

Ako’y Pilipino, taas-noo at may respeto

Pilipinas, ika’y aking sinisinta

Wikang Filipino, salamin ng mayamang kultura