Return to site

IMPLUWENSIYA UPANG MAPALAGO ANG KALIDAD NG KAALAMAN SAWIKANG FILIPINO: BASEHAN

SA PAGGAWA NG SANAYANG GAWAIN

SARAH MAE MOJICA DE OCAMPO

Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation, Inc.

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay layong maipakita ang Kalidad ng kaalaman ng wikang Filipino sa pagtuturo sa Filipino at epekto nito sa bokubolaryo sa mga mag-aaral ng Baitang 9 ng DFLCMCFI.

Napatunayan na malaki ang naging dulot ng teknolohiya sa larangan ng paggamit ng diksyunaryong Pilipino sa mga mag-aaral lalo na at higit sa Baitang 9 sa DFLCMCFI sapagkat hindi nahasa ang kanilang kakayahan sa paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo ng Filipino. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita na may makabuluhang kaugnayan ang paggamit ng diksyunaryo upang lubos na lumago ang kaalamang bokubolaryo ng mag-aaral ng Baitang 9 sa DFLCMCFI. Mayroong Labing siyam (19) na mag-aaral na respondenrte ang ginamit na tagatugon sa pag-aaral na ginamitan ng deskriptibo-kwalitatibo o paraang paglalarawang matematikal, kompyutasyonal at estadistikal. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng talatanungan (survey questionnaire) at ginamitan ng pagsusuring T-test. Natuklasan sa pag-aaral na sa paggamit at tamang istratehiya ng mga mag-aaral sa diksyunaryo ay mauunawaan ang tamang kahulugan ng isang salita. Ang resulta ng pag-aaral ay nagsilbing gabay at paalala sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng diksyunaryo sa pag-aaral upang malinang ang bokubolaryo.

Mga Susing Salita: impluwensya, kalidad ng kaalaman, Wikang Filipino, sanayang gawain