ABSTRAK
Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang antas ng kakayahan sa komunikasyon ng mga mag-aaral at ang kaugnayan nito sa kanilang akademikong pagganap sa paggawa ng modyul. Ginamit ng mananaliksik ang deskriptibong metodo upang matukoy ang kalakasan at kahinaan ng mga mag-aaral sa apat na makrong kasanayan: pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat. Isinagawa ang pananaliksik sa piling mag-aaral at nakalap ang datos sa pamamagitan ng talatanungan at pagsusuri sa kanilang mga output na modyul. Lumabas sa resulta na ang mataas na antas ng kakayahan sa komunikasyon ay may malaking ambag sa maayos na pag-unawa at mas malinaw na pagpapahayag ng ideya sa paggawa ng modyul. Gayundin, napatunayan na ang mga mag-aaral na may mababang kasanayan sa komunikasyon ay nakararanas ng suliranin sa pagsagot at pagpapaliwanag ng mga gawain. Iminumungkahi ng pag-aaral na palakasin pa ang programang pangwika at pagbibigay ng mga gawaing nakatuon sa pagpapalawak ng kakayahan sa komunikasyon upang higit na mapabuti ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral.
Ang ang edad na 15 ang may pinaka madaming edad na naging respondente. Ang mga respondente ay sumasang-ayon na mahalaga ang antas ng kakayahan sa komunikasyon ng mga mag-aaral. Walang makabuluhang pagkakatulad ang edad at kasarian ang sagot ng respondente batay sa kanilang propayl. Ang interbensyong ginawa ng kasalukuyang mananaliksik ay modyul sa Filipino.