Return to site

HAMON SA MUNDO, HINDI MATITINAG ANG MGA PILIPINO

NENA P. PILARCA

· Volume IV Issue I

Ilang siglo na and nagdaan

Sa aking lupang sinilangan

Umusbong ang kinakatakutan

Na ngayon ko lang nasaksihan, Covid 19ang pangalan.

 

Nang pumutok ang balita

Buong mundo ay nabahala

Gobyerno ay nagsipaghanda

Sa pandemyang mapaminsala.

 

Maraming nagsarang mga establisyemento

Lahat nang kabuhayan ay apektado

Ang daming nawalan nang trabaho

Na tanging umaasa, sa kakarampot nasuweldo.

 

Likas sa atin ang mapamaraan

Iba’t ibang hanapbuhay ang nagsilabasan

Kahit anong trabaho ay pinapasukan

May maipantustos lang sapangangailangan.

 

Sa lahat ng mga front liners nanagsasakripisyo

Taos- pusong serbisyong ibinibigayninyo sa tao

Sobra pa sa sapat ang inyong trabaho

Kami ay humahanga at saludo sa inyo!

 

Kalamidad at pandemya na atingnaranasan

Dumami at nagpatuloy ang bayanihan

Mga ayuda ay kaliwa’t kanan

Tulong sa lahat nang nangangailangan.

 

Sino ba ang may gawa?

Sa Virus na nakakahawa

Marami nang buhay ang nawala

Hindi natin alam kung paano nagsimula.

 

Hindi natitinag ang mga Pilipino 

Sa mga pagsubok pandemya man o bagyo 

Pananalig sa Diyos ang naging sandigan

“Pilipino,… hindi pagagapi magpakailanman!