Return to site

HAMON NG EDUKASYON

JOHN RIDAN D. DECHUSA

· Volume III Issue I

 Sa isang iglapnagbago ang lahat, 

Animoy natakpan tayong maitim na ulap. 

Di mawari angkatiting na liwanag na inaapuhap, 

Malalagpasan kayaang pandemyang salot sa lahat?     

Institusyongpang-edukasyon ay nabigyang hamon, 

Paano itomakatutugon sa pagsubok ng panahon. 

Mga guro, mag-aaral,at mga magulang, 

Tila isang ibon napumapagaspas sa hawlang may rehas.     

Hindi biro angpagsubok na sinuong ng bawat isa, 

Upang maitawid angedukasyong inaasam upang guminhawa. 

Pagod, pawis, atoras ang ipinuhunan, 

Sa bawat pagpupunyagina ating inaasam.     

Lumipas ang isangtaon at tayo’y nakaalpas sa hamon, 

Bawat sektor nglipunan ay gumagawa ng kaukulang tugon. 

Upang di mapinid angedukasyong huhulma sa ating kabataan, 

Lahat ng pagsuboksinuong upang ang bayan ay mapaglingkuran.   

Bawat isa sa atinanuman ang propesyon, 

Bayaning katuwang ngmga guro sa pag-usad ng edukasyon. 

Lahat tayo ay mayambag sa pagsulong ng edukasyon. 

Sa gitna ng krisispangkalusugan na sa ati’y malaking hamon.   

Ituloy natin angating magandang nasimulan, 

Wala mang katiyakankung kailan tayo makababalik, 

Sa normal naedukasyong nakasanayan sa mahabang panahon. 

Nawa’y katatagan atpananalig sa ati’y manumbalik.   

Hinamon man tayo ngpandemya sa kasalukuyan, 

Di tayo padadaig sakawalang katiyakan. 

Tayo ay magsilbingilaw sa lipunang uhaw sa karunungan, 

Patuloy tayongmaglalayag upang hamon ay mapagtagumpayan.   

Ipamalas natin sabuong mundo ang bayanihang Pilipino. 

Nang ang kabataan aymabigyang pag-asa at talino. 

Edukasyon angpapanday sa ating bayang nililiyag. 

Magkaisa atmagtulungan, nang ang Pilipinas ay mamamayagpag.