Return to site

EPEKTO NG MGA GAWAING PASALITA SA PAG-UNLAD NG KASANAYAN SA PAGSASALITA SA FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA BAITANG1-3

LEOMARTIN T. HERSALIA

Western Leyte College

ABSTRACT

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang epekto ng mga gawaing pasalita sa pag-unlad ng kasanayan sa pagsasalita sa Filipino ng mga mag-aaral sa baitang 1-3. Ito ay gumamit ng “quasi-experimental” na uri ng pananaliksik sa pamamagitan ng pauna at panapos na pagsusulit upang suriin ang epekto ng mga gawaing pasalita sa pag-unlad ng kasanayan sa pagsasalita sa Filipino ng mga mag-aaral sa baitang 1-3. Ang panimula at panapos na pagsusulit ay isinasagawa bago at matapos mailahad ang paggamit ng mga gawaing pasalita sa pag-unlad ng kasanayan sa pagsasalita sa Filipino katulad ng talakayan, pagkukuwento (Storytelling), sabayang pagbigkas, panayan o Interview sa kamag-aral, laro ng "Sabihin Mo, Gawin Ko", paglalarawan ng larawan, role playing o pagpapanggap, laro ng "bugtong-bugtungan" o "sino ako?, show and tell, pagpapahayag ng saloobing at ng iba pa na gamit ang wikang Filipino. Ang mananaliksik ay gumawa ng researcher-made na pagsusulit sa Filipino sa unang quarter gamit ang mga competencies na makikita sa MATATAG Curriculum Guide ng asignaturang Filipino para sa grades 1-3. Gumawa din ang mananaliksik ng banghay-aralin na gumagamit ng iba't-ibang stratehiya at mga kontekstuwal na gawain upang linangin ang mga aralin sa Filipino sa loob ng apat na linggo bilang interbensiyon para mapabuti ang gawaing pasalita sa pag-unlad ng kasanayan sa pagsasalita sa Filipno. Ang estadistikang pagsusuri gamit ang t-test ay nagpatunay na may makabuluhang pagkakaiba sa antas ng pagganap bago at pagkatapos ng pagsasalin ng mga gawaing pasalita. Ipinahihiwatig nito na ang mga gawaing pasalita—tulad ng talakayan, pagkukuwento (Storytelling), sabayang pagbigkas, panayan o Interview sa kamag-aral, laro ng "Sabihin Mo, Gawin Ko", paglalarawan ng larawan, role playing o pagpapanggap, laro ng "bugtong-bugtungan" o "sino ako?, show and tell, pagpapahayag ng saloobing at ng iba pa na gamit ang wikang Filipino. Napatunayan ng pag-aaral na ang mga gawaing pasalita ay hindi lamang nakatutulong sa paglinang ng fluency, accuracy, at confidence ng mga mag-aaral, kundi nagiging daan din ito upang maging mas aktibo at interaktibo ang pagkatuto sa loob ng silid-aralan. Sa kabuuan, ang paggamit ng mga gawaing pasalita bilang bahagi ng pagtuturo ng Filipino ay isang mabisang pedagogikal na pamamaraan na nagtataguyod ng makabuluhang pagkatuto at epektibong komunikasyon.

Keywords: Epekto, Gawaing Pasalita, Pag-unlad, Kasanayan, Pagsasalita, Filipino, Mag-aaral, Baitang 1-3

INTRODUCTION

Ang pagsasalita ay isa sa mahahalagang makrong kasanayan na dapat malinang ng mga mag-aaral sa unang tatlong baitang o Key Stage 1. Ang pagsasalita gamit ang wikang Filipino ay itinuturing na isa sa mahirap na gawain ng mga mag-aaral dahil sa limitadong kaalaman sa sariling wika. Ito ay dapat matutunan ng bawat mag-aaral nang sa gayon ay maipamalas nila ang kanilang galing sa sining ng pakikipagtalastasan at ang pangunahing gampanin ng kasanayang ito ay upang maipahayag ng bawat indibidwal ang kanilang mga saloobin. Ang kakayahang maipahayag ang saloobin at damdamin, maisalaysay ang mga karanasan, at maisalin ang mga nalalaman gamit ang ibang wika ay matatamo sa pamamagitan ng pagsasalita (Rodriguez at al., 2025). Ang guro ay gumagamit ng iba't-ibang estratehiya upang matutunan ng mga mag-aaral ang makrong kasanayan na pagsasalita.

Ang kasanayang ito ay mahalaga sapagkat dahil dito ay nagagawa ng mga mag-aaral na maipahayag kung ano ang kanilang mga nais na sabihin patungkol sa isang partikular na paksa na nakaaapekto sa kanila, nagagawa nilang maipahayag ang kanilang mga rason sa mga pagkakataon na kinakailangan lalong lalo sa ang kanilang nararamdam at saloobin. Ayon kay Saavedra (2020), ang kasanayang pasalita na tinatawag ding kasanyang ekspresib ay mahalagang malinang sa mga mag-aaral sapagkat ito ay isang batayan upang masabing ganap ang natamong pagkatuto ng mga mag-aaral. Kapag malalim ang kanilang natutuhan, ito ay nasasalamin sa paraan ng kanilang pagsasalita. Isa ang kakayahang ito sa mga paraan upang maipahayag ng isang indibidwal ang kanyang pagiging malikhain sa sining ng pagsasalita dahil mayroong ibang indibidwal ang hindi gaanong gamay ang ibang makrong kasanayan sa pagpapahayag ng kanilang pagkamalikhain kung kaya’t ang kasanayang pasalita ay isang mabisa at malawak na paraan ng pagpapahayag ng pagkamalikhain ng isang indibidwal.

Ang pagkatuto sa pagbasa ay nasisimulan sa pasalitang kasanayan na mga mag-aaral. Ayon sa pananaliksik, nagiging madali ang pagtuturo ng pagbasa kung ang isang mag-aaral ay sanay sa pagsasalita sa wikang kanyang kinagisnan. Pagkatapos matutunan ng mga bata ang unang wika, ang guro ay gumagawa ng mga paraan para ang susunod na wikang mapag-aaralan ng mga mag-aaral ang pagkatuto sa wikang Filipino. Ayon kay Moya (2023) sa kanyang artikulo sa Bicol Mail na pinamagatang Estratehiya sa Pagkatuto ng Makrong Kasanayan sa Pagsasalita, ang pagsasalita ay isang paaran upang maipahayag ng bawat isa ang kani-kanilang saloobin, ideya, katwiran, damdamin, kaisipan at kaalaman sa isang taong kinakausap. Ito ang susi sa pakikipagtalastasan sa kapwa tao. Sa pamamagitan ng wika naipapahayag ng tao ang kaniyang saloobin at nakapagpapaliwanag sa pamamagitan ng salita.

Ayon naman sa pananaliksik ni Manalus (2021), Ang pagsasalita ay isa sa makrong kasanayan na ang layunin ay pagbibigay, pagbabahagi ng kaisipan at mensahe sa pamamagitan ng verbal na paraan, paggamit ng wika na may wastong tunog, tamang gramatika, upang malinaw na maipaliwanag ang damdamin at kaisipan. Sa unang tatlong baitang sa pag-aaral ng mga mag-aaral, maraming paraan ang ginagamit ng guro upang malinang sa mga bata ang makrong kasanayan na pagsasalit. Karamihan sa mga guro ay gumagamit ng mga estratehiya tulad ng talakayan, pagkukuwento (Storytelling), sabayang pagbigkas, laro ng "Sabihin Mo, Gawin Ko", at paglalarawan ng larawan na gamit ang wikang Filipino. Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, matututunan ng mga mag-aaral ang wastong kasanayan ng pagsasalita na gamit ang wikang pambansa. At dahil dito, nahikayat ang mananaliksik na pag-aralan ang epekto ng paggamit ng mga gawaing pasalita sa pag-unlad ng kasanayan sa pagsasalita sa Filipino ng mga mag-aaral na kasalukuyang tinuturaan. Ang paggawa ng isang mungkahing plano para sa pagpapabuti ang bubuuin batay sa mga natuklasan ng pag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang epekto ng mga gawaing pasalita sa pag-unlad ng kasanayan sa pagsasalita sa Filipino ng mga mag-aaral sa baitang 1-3 ng Mababang Paaralan ng Cabato-an, Baybay City District 9, Baybay City Division. Ang paggawa ng isang mungkahing plano para sa pagpapabuti ang bubuuin batay sa mga natuklasan ng pag-aaral.

see PDF attachment for more information