Return to site

BOSES NG BAYAN, WIKA NG PAG-ASA: PAGTATAGUYOD NG HUSTISYA AT PAGKAKAISA

ni: BERNARD JAY R. SANCHEZ

Yaring pahimakas ng mga gintong saya

O! sangkaPilipinuhan sambit niya

Ganda’y mahihinting damhin inang laya

Wikang Pilipino ay higanteng taya

Sa saliw man ng isang trumpeta’y sulyap

Ibong timyas boses hindi tunay at ganap

Isang ritmo sa mundong pag-asa’y hanap

Hustisya, kaisahan usal ng ulap

Nakaamba sa bibig na dila’y tikom

Hinagpis nga ng mga buhay na nalikom

Hinihingi’y hustisya bilang paghuhukom

Pag-asa ka, itaguyod kahit gutom

Ibong pipit malawakan man ang himig

Sala’t pa rin sa pwersa’t gagahing dinig

Kapag iisang pugad pag-asang bibig

Laksang pipit boses Pino’y mananaig